Foolish Heart [19]

914 28 12
                                    




Foolish Heart [19]


"Nakakaloka naman yang istorya mo Bestie pero may balita ka pa ba sakanila?" Umiling ako kay Keith, ang bestfriend ko ngayon college.


"Kay Ash at Dez na lang, kasi nagsasama kami paminsan-minsan at dumadalaw sila sa bahay para manggulo lang." 


"Wala ka man lang balita kila Zen at Jerome maski sa facebook man lang?"


"Pagdumadalaw naman ako sa timeline nila puro mga status lang at change profile pic lang sila. Walang picture na nakatag sakanila na pumunta sila sa ganitong lugar, basta parang di sila nag-uupdate sa FB." Tumango-tango si Keith sa sinabi ko.


"Grabe, ilang taon na nga ba ang nakalipas simula mangyari yang kaloka mong story?"


" 2 years na din."


"Ano yun pagkatapos nung graduation hindi na kayo nag-usap ni Jerome?"


"Hindi na,  tinawagan ko siya noon pero di niya sinasagot kaya hindi ko na pinilit siyang kausapin."


"Alam nila Ash yung nangyari di ba, bakit hindi sila gumawa ng paraan para makapag-usap kayo?"


"Gumawa sila ng paraan pero maski din sila hindi kinakausap ni Jerome."


"Ano ba kasi ginawa mo sakanya bestie?"


"Wala naman akong ginawa sakanya na ikakagalit niya."


"Naku nako! Magulo ang love life mo bestie pero kung mamimili ka sino gusto mo si Zen o si Jerome?"


"Syempre parehas sila."


"Selfish mo naman bestie, gusto dalawa pa. Ibigay mo na lang sa akin yun isa kahit di ko pa sila nakikilala ng personal."


"Baliw ka Keith!"


"Kung ako baliw , ikaw malandi. First love mo si Jerome tapos first kiss mo si Zen, two timer ka bestie." Tiningnan ko siya ng masama pero siya naman tinaasan ako ng kilay.


"Manahimik ka nga dyan." Tumawa na lang siya sa sinabi ko, nandito kami ngayon sa locker room para ilagay ang mga libro kong ginamit pero nagulat ako nung may nalaglag na papel at pulang rosas.


"At sa 2 years na yun Mikaela, hindi pa rin nagpapakilala itong secret admirer mo sa locker." Kinuha ni Keith yung papel sa  at binasa niya.


" Your smile made my day from your secret admirer." Sabay palo sa akin ni Keith.


"Aray ko Keith ha, imbes ako ang kiligin ikaw pa ang kinikilig."


"Ganda mo talaga,kaya pwede ba Mikaela saakin na lang yung rose na binibigay niya sayo?" Binigay ko naman sakanya at tuwang-tuwa siya.

FooIish Heart [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon