Foolish Heart [26]

819 14 7
                                    






Foolish Heart [26]


"Ang pag aartista ay hindi madaling trabaho,hindi lang ito puro pasikat. Sa bawat pag-arte natin sa isang palabas kailangan nating damdamin ang bawat linya at isapuso natin ito. Tayong mga artista ang nagkwekwento ng buhay nila. Tayo ay sila at sila ay tayo, iisa lang ang kwento ng buhay natin depende na lang kung paano mo ito aayusin kung papanig ka ba sa kasamaan o sa kabutihan.Kaya nga may bida tayo at kontrabida." Onting oras na lang Mikaela, matatapos na itong training ko sa pag-aartista.Onti na lang mapupuntahan ko na siya sa Mcdo para makita ko siya, susupresahin ko si Jerome.

"Mikaela."

"Po?"

"Basahin mo ito, ikaw ang magiging bida at kontrabida si Sonia.Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para pag-aralan ito." Kinuha ko yung script kay Sir.Ian at binasa ko kaagad.


Tungkol ito sa dating magkaibigan na ngayon magkaaway na dahil inagaw sakanya ang kasintahan. Wow? Ang intense naman nitong story,ako pa yung bida. Waaa, kinakabahan ako pero katulad nga ng nakasanayan ko nung highschool na kasabihan : Kaya ko ito!


"Okay, tapos na ang dalawang minuto. Simulan na natin!Lights, camera, action!"


"Sadyang maliit talaga ang mundo, sa dinarami ng lugar dito ko pa makikita ang aking kaibigan.Kamusta ka na Myra?" Sinimulan na ni Sonia,ang damang dama niya ha.

"Ito masayang namumuhay Felice, kayo kamusta ni Cedric yung lalaking dati kong pagmamay-ari na ngayon sumisiksik dyan sa katawan mo." Tumawa siya.

"Hanggang ngayon ba Myra mahal mo parin ba si Cedric?" Tumawa ako,ayun kasi ang nasa script.


"Oo, eh ikaw mahal ka ba ni Cedric o mas mahal niya yung Katawan mong pinagpyepyestahan ng kung sino-sinong lalaki?" Tawa ako ng tawa at nabigla ako nung sinampal ako ni Sonia, napatingin tuloy ako sa script kung kasama yun pero wala naman. Ano toh nadala siya sa actingan namin? E kung ganun di ako magpapatalo.

"Masaya ka na bang sinampal mo ako? Siguro hindi mo lang matanggap ang katotohanan kaya dinaan mo sa sakitan."

"Hinahamon mo talaga ako." Sasaktan niya sana ako ulit pero ako na agad ang sumampal sakanya.

" Once is enough but twice is too much."

"CUT!Very good, bravo bravo ladies." Masayang sabi ni Sir.Ian, lumapit agad sa akin si Sonia.

"Mikaela, sorry sa ginawa ko sayo ha.Nadala kasi ako sa script,sorry talaga." Nginitian ko siya.

"Ako din naman e,tsaka actingan lang naman toh.Ayos lang,sorry din ha." Ngumiti siya at nakinig na kami kay Sir.Ian.

"Hindi natin maiiwasan pag nag action na at nagdedeliver tayo ng lines.Hindi natin mamalayan na iba na ang sinasabi natin dahil bilang karakter ng istorya alamin mo na dapat ang buhay o ang istorya niya ,alam mo kung ano ang huhugutin mong salita para ibato sa kausap mo.Katulad ng ipinakita ni Sonia at Mikaela, si Sonia ay nadala sa binabatong salita ni Mikaela naramdaman ni Sonia at pagkagalit ng karakter ni Felice laban kay Myra kaya hindi na nasunod ang script nagkaroon ng impromptu.Walang sampalan sa script at dahil nadala sila bilang Felice at Myra ay nangyari iyon.Kaya sainyong dalawa, you did a good job dahil dyan dismiss na kayo.See you next week!"


"Thank you Sir." Agad ko kinuha ang gamit ko at nagmadali ako pumara ng jeep gabi na rin kasi pero nagulat ako nung makita ko si Zen na nakaabang sa labas ng kotse niya,lumapit agad ako sakanya.

"Yo!" Bati niya sa akin.

"Di ba sabi ko sayo kahit wag mo na ako sunduiin."

"I insist."

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now