Foolish Heart [12]

790 25 1
                                    



Foolish Heart [12]



"Tuloy na talaga ang flight mo pa Australia."  Sumama si Zen sa paghatid sa akin dito sa airport, alam niya na din ang nangyari sa akin nung pumasok ako , tama lang daw ang ginawa ko pero sa loob ko parang nakokonsensya din ako. Hindi ko man lang sila pinagbigyan na magpaliwanag parang gusto ko bago ako umalis ay mapuntahan  muna sila at mag-paalam.


"Bakit pipigilan mo ba ako?" Hinawi niya ang buhok ko at nag-pagwapo sa akin.


"Ang isang gwapo katulad ko ay hindi ginagawa ang ganun." Inirapan ko na lang siya.


"Isabit kaya kita sa eroplano?"  Tumawa lang siya at hinawakan niya ang pisngi ko.


"Mamimiss ko itong pisngi mo." Pinalo ko yung kamay niya.


"Lagi mo na lang trip pisngi ko, kainis ka talaga."


" Baby girl, tara na?" Biglang lapit sa amin ni mama. Kami lang ni mama ang pupunta sa Australia dahil si papa ay aasikasuhin muna ang kumpanya namin at maski din si Ate Fajuzia.


"Paano ba yan maga? Ingat ka doon. T-shirt ko ha, small lang." Tinawanan ko siya at maski din si mama natawa.


"Sige, salamat Zen ha. Salamat talaga sa mga naitulong mo sa akin." At niyakap ko siya pero ginulo niya lang buhok ko.


"Wala yun, sige na alis na." Pinapaalis na talaga ako nitong payatot na ito, pero kahit ganun mamimiss ko siya. Kaya tumalikod na agad ako para hindi umiyak at humawak kay mama para pigilan ang iyak ko.


"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo baby girl?" Napatingin naman ako kay mama.


"Bakit ma?"


"Kinausap ko sila Jerome, Deziree at Ash noong isang araw dahil sumugod ako sa school niyo nung nalaman ko kung ano ang ginawa sayo ng mga klaklase mo." Nagulat ako sa sinabi ni mama pero nginitian niya lang ako.


"Baby girl, ramdam ko nagsisisi sila sa ginawa nila kung nakita mo lang baby girl lumuhod pa nga sila sa akin at humingi ng sorry.Yung mga klaklase mo binigyan sila ng punishment,sabi sa akin ng adviser mo."


"Pero mama sa tingin mo ba pagpinatawad ko sila mababalik ba yung tiwala ko sakanila?" Hinawakan ni mama ang kamay ko.


"Ang tiwala baby girl, hindi basta-basta maibabalik pero ang pagpapatawad ay ang magpapagaan sa kalooban mo. Hindi sa lahat ng bagay idadaan sa galit, tandaan mo baby masama ang magtanim ng sama ng loob."



"Anong gagawin ko mama?" 


"Kung ako lang ang masusunod baby girl, ayaw na kitang pabalikin sa Stateland dahil grabe  yung mga ginagawa sayo pero na saiyo parin yung desisyon mo.May mga kaibigan ka na naghihintay sayo."  Tiningnan ko lang si mama na ngayon na nakangiti lang sa akin, tiningnan ko yung passport ko at ang hawak kong ticket. Wag ko na lang kaya ituloy ang pag-alis ko? Kaso paghindi ko tinuloy baka pagbalik ko sa school ganun parin ang gagawin nila sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot ako sa mangyayari ulit sa akin.

FooIish Heart [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon