Foolish Heart [17]

845 28 5
                                    





Foolish Heart [17]



"Ano ba Zen, mamaya na yung batch party wala ka parin sa wisyon tumgtog. Kung apektado ka parin sa paghihiwalay niyo ni Suzy wag mo naman idala dito! Pare, eto na yung last na tutugtog tayo! Gragraduate na tayo kaya pwede ba gumising gising ka naman!" Inis nasabi ni Reginald, ilang araw na kasi kami nagprapractice at laging nakakalimutan ni Zen ang tutugtugin niya minsan naman nagkakamali siya, kinakausap ko naman siya pero sasabihin niya okay lang siya. Lumapit muna ako kay Jerome na ilang araw na din sumasama sa akin para manood ng band practice namin.


"Nag-aaway nanaman sila." Sabi niya.


"Kaya nga e, nag-aalala ako kay Zen. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan." Hinila niya ako para maka-upo sa tabi niya.


"Ganyan si Zen pag may gumugulo sa utak niya o may pinipigilan siyang gawin.Nawawala siya sa sarili niya."


"Kaibigan mo naman siya di ba, baka pwede mo naman siya kausapin.Mamaya na yung tugtugan namin pero wala pa rin kaming kanta." Ngumiti siya sa akin.


"Pero sa ugali ni Zen ayaw niya yung may makikielam sakanya." Hinawakan ko yung kamay niya.


"Please, para sa akin kausapin mo siya."  Napakmot siya sa ulo niya at napabuntong hininga.


"Sige, kung ayan ang gusto mo." Tumayo siya at lumapit kay Zen.


"Pre." Hinawakan ni Jerome ang balikat ni Zen.


"Kilala mo ako Jerome, alam mong ayaw ko ang makikielam sa sarili ko." Seryosong sabi ni Zen, kaya inalis ni Jerome ang pagkakahawak niya sa balikat. Naninibago talaga ako sa kinikilos ni payatot.


"Alam ko yun pero si Mikaela kasi gusto niya kausapin kita. Nag-aalala siya sayo." Napaiwas ako ng tingin nung tumingin sa direksyon ko si Zen.


"Ganun ba?Pasensya na."


"Magiging okay ang lahat Zen, kaya mo yan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Jerome.


"Papahangin lang ako saglit, pagkatapos nun practice na talaga tayo. Pasensya na mga pre." Pero bago lumabas si Zen ay tiningnan ko siya ng masama at tumawa siya sa akin.


"Hindi ako magyoyosi." Sabay labas ni Zen, mabuti naman nabasa niya yung ganung tingin ko.


"At habang nasa labas yung mokong na yun, mag-isip na tayo ng tutugtugin natin mamaya sa batch party." Salita ni Gunder, kaya tumahimik kami ng ilang minuto para mag-isip.


"Paano kaya kung kumanta kayo ng kakaiba? Yung babagay sa mga emosyon niyo ngayon." Nagulat ako sa sinabi ni Jerome, hindi ko aakalain mag-susuggest siya ng ganito ha.

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now