Foolish Heart [27]

735 16 3
                                    






Fooolish Heart [27]


"Hi Mikaela."

"Waaa, bestie.Gumising ka na dyan!" Nagising ako kay Keith ng dahil sa paghampas niya.

"Mukhang naistorbo ko yata pagtulog mo." Napaayos agad ako sa sarili ko nung makita ko si Jerome na pumunta sa room namin.

"Kanina ka pa ba?" Umiling siya.

" Dumaan ako dito para bigyan ka nito.Kakatapos lang kasi ng culinary subject namin kaya gusto ko matikman mo ang niluto ko." Napangiti naman ako.

"Kilig nanaman ang bestie ko,patikim ha." Tiningnan ko ng masama si Keith.

"Para sa akin lang ito e."

"Wow ha,kadamutan." Ngumiti lang ako kay Keith at tinikman ang gawa ni Jerome.

"Saraaap! Pwede na maging chef." Sabay thumbs up ko sakanya.

"Salamat!"

"Ay oo nga, ang sarap pwede na maging asawa ni Bestie." Sabay hampas sa akin ni Keith.

"Nako, marami pang pagdadaanan Keitg." Natatawang sabi ni Jerome, hinayaan ko lang sila mag-usap para maging boto siya kay Jerome ahihihi. Tsaka sarap kasi ng niluto ni Jerome, kinikilig ako kasi naalala niya ako habang nagluluto.

"Oy ngiti mo bestie,halatang halata nagpapantasya ka." Tiningnan ko ng masama si Keith.

"Ikaw talaga kontrabida ka sa buhay ko kahit kailan!"

"Hindi ah, ginigising lang kita sa katotohanan bestie." Inirapan ko na lang siya at tumingin kay Jerome.

"Ubos ko na yung niluto mo, salamat ha.Nakatipid ako ngayong araw,busog na busog ako."

"Wala yun para sa prinsesa ko."

"May pasok ka ba sa trabaho mo ngayon?"

"Wala day off ko ngayon,sabay tayo umuwi gusto mo?" Napatango agad ako nung sinabi niya yun kaya natawa sila parehas sa akin.

"Kaya pala ang asar talaga sayo ni Ash ay Ms.Inlove, ngayon ko lang nakita yung ganito mong side pagdating kay Jerome." Pinalo si Keith.

"Napakadaldal mo talaga Bestie."

"Kilig ka lang." Hindi ko na lang siya pinansin,hinila ko si Jerome sa labas ng classroom para makapag-usap kami at di kami istorbohin ni Keith.

Pagkalabas namin ay nagulat ako nung niyakap niya ako ng sobrang higpit.

" Uy Jerome baka may makakita sa atin na guard o dean o teacher at mapagalitan tayo." Kahit nasa college na kasi kami may PDA chuchu parin. Syempre nag aaral pa rin naman kami kaya bawala sa college ang Public Display of Affection.

"Akbayan na lang kita." At ayun na lang ang ginawa niya.

"May problema ba ang prinsipe ko?"

"Wala naman, pagod lang kasi ako tsaka namiss kita kaya niyakap kita kaagad." kinilig naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw naman kasi masyado ka nagpapakapagod sa trabaho mamaya magkasakit ka." Hinawakan ko yung pisngi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi naman sa araw-araw mo ba namang pagpunta sa Mcdo, nawawala pagod ko." napangiti ako sa sinabi niya.

"Ayaw ko tuloy pumasok sa next class ko, gusto kita makasama." tumawa siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Kaso di ako papayag, papasok tayo. 2pm tapos ng klase mo di ba?" tumango ako.

FooIish Heart [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon