Foolish Heart [21]

757 25 2
                                    





Foolish Heart [21]



"Go Mika-Mika!"


"Ganda ni Mikaela o!Sana pala ikaw na lang niligawan ko."


"Nako, hindi ka papatulan niyan."


"Gusto mo ikaw patulan ko ha Linta?"


"Suntukin kaya kita abo?" Tiningnan ko lang sila at gumitna sakanilang dalawa.


"Mahiya nga kayong dalawa. Hindi niyo talaga mapigilan mag-away noh? " Sita ko sakanila pero ngumiti lang sa akin si Deziree at Ash.


"Si Abo kasi!" 


"Hay nako Dez, ayan nanaman kayo. Buti na lang hindi naging kayo kasi kung natuluyan siguro walang araw-araw na may away." Inakbayan ni Ash si Dez.


"At okay na din naman sa akin yun dahil narealize ko masyado pa kaming bata para magseryoso kaya sa ngayon dapat mag-aral muna kaming mabuti."


"Lakas talaga ng impluwensya sayo ni Nica." Natatawang sabi ni Dez, tiningnan ko lang silang dalawa na ngayon nag-uumpisa nanaman mag-asaran. Hanga talaga ako sa dalawang ito, alam ko nagustuhan nila ang isa't-isa pero mas pinili nila ang pagkakaibigan nila kaysa sa pag-ibig, ngayon may girlfriend na si Ash at mabait naman si Nica minsan nga nakakasama namin siya. Si Deziree, ayun hanggang fling lang muna ayaw pa magseryoso.


"Bestie!" Napatingin ako kay Keith at yumakap ako sakanya.


"Nakuha mo na yung damit ko?" Tumango siya sa akin at ipinakita yung damit.


"Mika-mika, siya ba si Keith yung kinekwento mo sa amin?" Tumingin ako kay Deziree.


"Yup, Deziree at Ash meet Keith my college bestfriend." Nag-hi si Keith sakanila pero nagulat siya nung hinila siya ni Dez at umakbay.


"Welcome to our squad , Keith." Nakita ko kay Keith na natuwa siya sa ginawa ni Deziree.


"Dahil dyan! Picture tayo ipopost ko sa instagram ko." Singit ni Ash kaya bigla akong lumapit sakanila at nakisali sa picture. Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila dahil maghahanap na sila ng lugar kung saan nila ako susuportahan at ipapakita daw nila ang mahabang banner na gawa ni Deziree. 

"Mikaela!" 


"Yes?"


"May nagpapabigay."Kinuha ko sa kapwa contestant ko ang mga pulang rosas at nagpasalamat sakanya. Binasa ko yun note na nakaipit,


Galingan mo mamaya! Kaya mo yan. 

From you secret admirer

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now