Foolish Heart [5]

1K 29 3
                                    




Foolish Heart [5]


Yung feeling na sobrang excited ko sa field trip nauwi lang sa hindi ko nakatabi si Jerome, badtrip. Paano ba naman kasi sa gitna umupo si Jerome at yung dapat na katabi ko siya ay solo lang ako umupo. Katapat ko nga siya pero hindi ko naman siya katabi, kaya nakasimangot lang ako hanggang sa dumating na kami sa Batangas.


"Uy Mikaela." Tiningnan ko  si Ash ng masama tas tinawanan niya ako bigla pero hindi ko na lang siya pinansin.


"Mika-mika!" Masayang lapit sa akin ni Deziree kaya napakunot noo ako, ano tawag niya sa akin? Mika-mika? Ano yun parang si pikachu lang? Pika-pika, ganun. Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod na lang ako sa pila para makinig sa sinabi ng tour guide sa amin.


"Problema ni Mikaela?" Parang ewan toh si Ash nakuha pang magbulungan nila sa likod.


"Baka meron siya kaya ganun." Sabi ni Deziree.


"Iba talaga kayong babae noh." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanila.


"Wag niyo akong pag-usapan." Natahimik naman sila kaya sumunod ako ulit sa pila at nakita ko si Jerome kausap yung ibang babae mula sa ibang klase.Tsss, bwisit siya.Ughhh, bakit ba ako nagseselos? e hindi naman kami.


"Ice cream?" Tiningnan ko si Deziree na ngayon nakangiti sa akin at binibigay niya sa akin yung ice cream.


"Kuhain mo na dali baka malusaw." Kinuha ko yung hawak niya.


"Salamat."


"Tara." 


"Saan?"


"Mauna tayo sa pila para pagkatapos nun magpapalit tayo at susuotin natin ang bestfriend shirt natin."  Tiningnan ko lang si Deziree.


"Bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?"


"Ahh, gusto mo ba sakanila ako sumama?" Napabuntong hininga ako at kumain na lang ng ice cream.


"Wui Mika-mika, anong problema mo ba?Bakit ka nakasimangot dyan."


"Wala, masyado lang kasi ako nagexpect."Sinundan niya lang ako sa paglalakad.


"Hmm, ano nanaman kasi ba ang fantasy na bumabalot dyan sa utak mo? Hulaan ko, badtrip ka kay Fafa Jerome noh?"


"Masama bang mag-expect?" Narinig kong tumawa si Deziree, aasarin nanaman ako nito panigurado.


"Bakit ka ba nag-eexpect kayo ba ? Di ba hindi naman." Ouch, ang hard ng sinabi ni Deziree pero totoo naman bakit ba ako mag eexpect kung hindi naman kami di ba?

FooIish Heart [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ