Special Chapter : Ash & Dez

755 19 4
                                    



Special Chapter :


ASH POV:


"Oy bata! Upakan kita." 

"Inaano ba kita?!"

"Wala,sarap mong pagtripan.Ako nga pala si Deziree at ikaw naman si?"

"Ash." 

"Ash?! Magmula ngayon kaibigan na kita."


             Kapag naalala ko kung paano kami unang nagkakilala ni Deziree natatawa ako. Bagong lipat kami sa village at  siga siyang lumapit sa akin noon, magmula noon kami na lagi ang magkasama ngunit di namin maiiwasan ang lagi mag-away, siguro dahil sa ganung samahan kami nagkakatuwaan. Oo, minsan umaabot sa puntong sumusobra na ang asaran naming dalawa kaya aabot ito sa away hanggang sa hindi na kami magpansinan.


             Si Deziree ang una kong babaeng kaibigan at siya din ang unang babaeng minahal ko.Hanggang sa maraming nangyari sa amin ng hindi ko inaasahan.


            Nagmahal ako ng ibang babae at minahal ko siya ng buong-buo kaso nasaktan ako.Pakiramdam ko noon ay wala na akong silbi, bakit ba kasi pagnagmamahal ka kailangan masaktan lagi? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang.


Pero lahat ng nangyayari ay may dahilan.


Kaya yung akin, alam ko na ang dahilan kung bakit ako nasaktan.


"Daddy!"


"Ughh, ang bigat-bigat ng baby busty ko." Tumawa lang siya at yumakap sa akin ng sobrang higpit.


"Alam mo ba daddy, binigyan ako ni papa ng robot kahapon tapos...." Inayos ko yung buhok niya at ngumiti habang nakikinig sa sinasabi niya pero lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.


"Masaya po ako dahil may dalawa akong daddy." Kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit.


"Oy abo, baka di naman na makahinga yang anak ko sayo." Tumingin ako sakanya at lumapit.


"Ganda naman ng future wife ko." Pinalo niya ako ng mahina.


"Future wife ka dyan, di ka pa nagproprose dyan." Tinawanan ko lang siya at hinalikan sa pisngi.


"Happy 5th anniversary Deziree."  Nginitian niya ako at yumakap sa akin ng sobrang higpit.


"Let's go?" Tanong ko.


"Saan ba tayo pupunta?"


"Sa Sogo Dez." Inirapan niya lang ako at tumawa lang ako. Lumapit ako kay Busty at may binulong ako.


"Oy, ano yang binubulong mo sa anak ko?"  Tumakbo lang palapit si Busty kay Dez at hinila palabas.

FooIish Heart [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon