Foolish Heart [36]

611 19 1
                                    



Foolish Heart [36]



Mikaela's POV:


Hinihintay kong magising si Zen, ayon kay Manager L. Hindi dahil sa paglalas niya kaya lumalala ang kanyang sitwasyon kundi dahil sa sobrang pagod at hindi pagkain ng maayos kaya nag 50/50 ang buhay niya.


"Ano ba nangyari dyan sa boyfriend mo iha? Bakit nakuha pang ipanglaslas ang guting sa opisina ko. Nakakaloka." Nakatitig lang ako sa mukha ni Zen, bumisita na din sila mama ko pero umalis din agad para sa kumpanya dahil magkakaroon sila ng meeting. Ang magulang naman ni Zen ay mamaya palang ang uwi galing sa California.


"Manager L, hindi po ba kayo malalate sa schedule niyo para sa facial?" Ngumiti ako sakanya at bigla siyang nataranta.


"Ay! Buti na lang pinaalala mo sa akin. Sige na Mikaela, tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ako." Tumango na lang ako sa sinabi ni Manager L, ang manager naman ni Zen ay inaasikaso ang mga media sa labas dahil halos lahat nga sa showbiz nagkagulo sa nangyari.


Nanatili akong nakatitig sa mukha ni Zen at hinalikan ang pisngi niya, nabigla ako nung dumating sila Gunder. Ang dati naming kabanda nung highschool.



"Mikaela." Ngumiti lang ako sakanila at umupo sa sofa.Hinayaan ko silang makalapit kay Zen dahil kaibigan nila ito kahit na may nararamdaman akong inis sakanila.Lumapit sa akin si Gunder at tiningnan ko lang siya.


"Sorry Mikaela, kung hindi lang namin sana hinayaan---"


"Wala kayong kasalanan sa nangyari kay Zen.Mawawala din ang inis ko sainyo wag kayong mag-alala." Magsasalita pa sana siya kaso napatingin ako kay Zen nung napansin kong nagising na siya.


"Zen."


"M-mikaela." Ngumiti ako sakanya, lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya.


"Akala ko hindi na kita mahahawakan." Naiiyak niyang sabi.


"B-bakit naman?"


"Nakita ko kasi ang sarili ko na sinugod sa emergency room at ikaw naman ay hindi tumitigil sa kakaiyak. Pakiramdam ko nung oras na yun ay namatay na ako., kaya laking pasasalamat ko sa Diyos na nahawakan kita ulit at makakasama kita." Napangiti ako sa sinabi niya at yumakap sakanya.


"Wag mo ng uulitin yun ha."


"Hindi na dahil ayoko na kitang makitang nasasaktan ulit ng dahil sa akin. I love you so much Mikaela."


" I love you too Zen."


"Sweet niyo naman! Paano ba yan namiss ko ng tumugtog ang We Serenade." Singit ni Vince sa amin at sumang-ayon naman sila Gunder sa sinabi niya.

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now