Foolish Heart [10]

907 27 1
                                    




Foolish Heart [10]


Mikaela's POV:


"KYAAAA! ANG POGI NIYOOOOOOO!"

"Gunder ko! Akin ka lang."

"Reginald! I love you~"

"Vince, uwi ka na babe!!"

"Zen baby! I love you!"


"Thank you girls! Bago kami kumanta ano nga pangalan ng banda namin?" Tanong ni Zen


"We Serenade!" Sigaw ng mga fan girls nila, grabe ganito pa talaga kalakas ng impact ng banda nila Zen dito.


"Tama! Kami ang We Serenade." Sabay isang pasada ni Vince ng drums kaya mas lalo naghiwayan ang mga tao at mas lalo tuloy ako kinabahan


    Waaaa~ Kinakabahan na talaga ako, nandito parin ako sa backstage sabi kasi ni Zen wag daw muna ako lumabas kasi iintroduce pa nila ako bilang bago nilang vocalist! Shemay, gusto ko na umuwi sa sobrang lakas ng tibok ng puso.


"May papakilala ang We Serenade, Iintroduce namin ang bago naming cute na cute na vocalist! Maga, labas ka na dyan."  Wow ha? Ang gandang introduction ni Zen! Pagkatapos nitong performance namin uupakan ko tong payat na ito.Lumabas ako pero nakatingin lang ako sa baba pero inalalayan ako ni Gunder para makapunta sa harap.


"Teka, di ba siya si Mikaela?"

"Siya yung may gusto kay Jerome!"

"Bakit siya na yung vocalist?"

     


   Waaa, eto na nga ba sinasabi ko e! Pagbubulungan nanaman nila ako at damay nanaman si Jerome dito. Gusto ko na tuloy umuwi!


"GO MIKA-MIKA! KAYA MO YAN!" Nagulat ako nung marinig kong sumigaw si Deziree kaya napatingin ako sakanya at nabuhayan ako.


"GO MIKAELA! GO MS.INLOVE PARA KAY JEROME!"Tumawa ako sa sinabi ni Ash,kahit kailan yung lalaking yun.


"KAYA MO YAN MIKAELA!" Kinilig naman ako nung sumigaw si Jerome :''>


"BABY GIRL! GO!GO!GO!" Si mama talaga oh, huminga ako ng malalim at tumingin ako sa madaming tao at nginitian sila.Kaya ko toh! 

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now