Foolish Heart [6]

1K 27 8
                                    

Foolish Heart [6]


Mikaela's POV:


"Kamusta ang field trip baby girl ko?" Yumakap ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.


"Masaya mama."


"Madami ba kayo naging pictures baby?" 


"Opo ma!" Tapos pinakita ko kay mama yung mga pictures at nakangiti siya habang tinitigan ito.


"Ganda ng kuha niyo ha, pare-parehas pa kayo ng tshirt. Minsan naman yayain mo sila dito sa bahay  gusto ko sila makilala."


"Sige po ma, sabihin ko sakanila yan."


"Ay teka, sino tong kaakbay ni Jerome dito?"


"Si Suzy ma, girlfriend niya." Napatingin sa akin si mama.Napangiti na lang ako sa ginawa niya.


"Nako ma, wag mo na akong alalahin pagdating sa ganyan." Pinisil lang ni mama yung pisngi ko.


"Sige na baby girl, magpahinga ka na sa kwarto mo." 


"Sige po ma."  Kaya umakyat na ako sa taas pero pagpasok ko may naririnig akong nagigitara. Sumilip ako sa may terrace namin at nakita ko si Zen na nakapikit at tumutugtog sa terrace din nila.

Pinakinggan ko lang siya kumanta at tumugtog.


Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo


Ngayon ko lang narinig ang kanta pero ramdam ko kay Zen na damang-dama niya ang kanta niya, di kaya may pinagdadaanan siya? Nakangiti lang ako habang pinapakinggan siya hanggang sa matapos ito kaya pumalakpak ako.


"Nakakagulat ka naman Mikaela." Tumawa ako sakanya.


"Sorry kung nagulat kita." Tapos tinitigan niya ako.


"Bakit parang umitim ka ata?"


"Hmm, kakauwi ko lang kasi galing batangas. Nagfield trip kasi kami e."


"Ganun ba."


"Oo." Tas tahimik kami pagkatapos, uhh. Okay? Kailangan ko mag-isip ng topic para makapag-usap pa kami. 


"Mikaela,gusto mo ba sumali sa banda namin?" Nabigla naman ako sa tanong niya.

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now