Kabanata 54

106K 904 18
                                    

Kabanata 54

Confess

Hindi makakasabay si Nica sa akin pag-uwi. May gagawin hata siya, ganon talaga kapag graduating lalo na at engineering ang course ng babaeng iyon. Nauna siyang nag college sa akin. Ganun din naman ako graduating student at marami talagang inaakikaso.

Naglakad na ako palabas. Nung malapit na ako sa gate ay may natatanaw naman akong pamilyar na kotse. Parang kotse ni manager. Naglakad naman ako ng mabilis patungo sa kinalalagyan ng kotse.

Ay! Si manager nga. Lumabas siya ng kotse. Lumapit siya agad sa akin. Nadidistract ako sa dimples kahit hindi siya ngumingiti. E? may kaunting dimples kasi. "Can I talk to you?" Napakunot naman ang noo ko. Ang seryoso naman kasi ng mukha niya. He grips my shoulder.

"Oo naman." Sabi ko habang unti unting inaalis ang hawak niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Inalalayan pa niya ako habang papasok ng kotse.

Ang seryoso ni manager. Hindi ako sanay.

Naging tahimik lang tuloy ng byahe. Natigil naman ang kotse sa isang coffee shop. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkatapos ay pumasok kami sa coffee shop.

Umupo naman kami malapit sa may pinto. May lumapit namang waitress sa amin. Nag order na lang ako ng frappe at saka cheese cake. Si manager naman coffee lang. Pagkatapos mabigay ang order namin ay syempre kinain ko na yung cheese cake. Basta kasi pagkain hindi minsan napapakali ang tiyan ko. Ang bango talaga nung aroma sa coffee shop. Sarap tumambay dito.

"Aly.." Hinawakan naman ni manager ang kamay kong nasa mesa. "Aly..."  Napalaki naman ang mata ko tapos...tapos...nabibilaukan ako dahil sa cheese cake. Shocks! Inabot naman ni manager ang frappe.Ininom ko agad 'yun. Muntik na ako dun.

Si manager naman kasi kung makabato ng sasabihin e nagugulat tuloy ako. Sakit di naman kaya mabilaukan.

"Ano ulit?" Kahit narinig ko yung sinabi ni manager e nagtanong pa rin ako. Malay ko mali pala ako ng narinig.

Napakamot naman ng ulo si Karl. Humigop naman ako ng frappe. Hehe.

"I don't know Aly but..." Napalunok naman ako. Nakatitig kasi si manager sa akin pagkatapos niyang umiling. Tinitigan ko na lang yung dimples para hindi madistract sa titig pero mas nakakadistract pala iyon.

"Bakit?

"Nothing..." Nakita ko ang paglungkot ng mata niya. Inalis niya ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. "Nothing." Ginulo pa niya ang buhok.Bumuntong hininga pa siya. "Sorry." Tumango naman ako.

"And I guess we need to go. Media is here." Napatayo naman si manager. Hinawakan niya ang braso ko para makatayo. Hala, sayang ang cheese cake at frappe. Halos patakbo kaming lumabas kaya pala sa may pinto kami pumwesto. Pero kasi ba't may media?

Nung makapasok kaming kotse ay buti na lang naistart ni Karl ang kotse bago kami dumuging ng mga media. Hindi naman ako artista pero bakit ganito? Kalahating minuto ng makalayo kami sa media. Hindi naman kami nasundan hata?

"You guys haven't told the media --- the world about your relationship." Para namang nahinuha ni Karl ang katanungan ko.  Nagsalubong naman ang kilay ko. Move on?!

"Hindi kita inaano a." Tumagilid na ako sa kanya.

"Sinaktan mo ako." Pinisil pa niya ang dibdib. Napalunok naman ako.

"Huy." Hinampas ko na ang braso. "Wala akong ginagawa sa'yo." Nakakapanic din kaya ito. Kasi naman hindi ko naman siya sinaktan.

"I'm just kidding babe." Yan ang Karl na kilala ko. Malandi katulad ng bes ko. Chos. Bagay talaga sila. Hmp.  Tumatawa pa tong si manager e.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon