Kabanata 33

123K 1.1K 84
                                    

Kabanata 33

Selos?

Pagkagising ko wala na akong katabi. Hindi man lang ako nahiya dahil sa abalang ginawa ko sa kanya. Pero mamaya magpapasalamat ako sa kanya. Tumayo na ako at naligo. Nagbihis at kumain ng agahan.

Pagkatapos ay umalis at pumunta na ng trabaho. Feeling ko sobrang close na kami ni Gideon sa mga nangyayari sa amin. Pagkarating ko ay nagdiretso na ako sa department ko. Sabado ngayon at parang may pupuntahan ako o something, basta parang may nakalimutan ako.

"Ibang ngiti 'yan aa" bungad sa akin ni Manager Karl.

"Huh?" iba ba ang ngiti ko? paanong iba mala-alieng ngiti ba?

"Parehas na parehas ang ngiti niyo." Sinisiko siko pa ako ni Manager.

"Huh?" Takang taka naman ako sa sinasabi niya.

Pero imbis na makakuha ako ng sagot at ngumiti lang siya at naglakad patungong office niya. Eh?

Umupo na lang ako. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Tapos parang kinikilig ako.  Syet, marami sigurong naiinggit sa akin kasi nakatabi ko si Matt Bomer, Chos! Si Gideon.

Nagulat naman ako ng may sumundot sa tagiliran ko. "Inlab. Yan! Ngiting inlab yan." Sinundot sundot naman ako ni Jasmine. Eh?

Nagbigay lang ako sa kanya ng nagtatakang mukha. "Base sa kinikilos mo ngayon, inlab ka. Yiee sinung swerteng adonis ang nakabihag sa dyosa next to me."

"Huh?"

Ngumiting aso naman si Jas tapos sinundot sundot pa rin ako. "Naku Aly don't deny, namumula na nga ang mukha mo. Yiee!"

Eh? Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi ko. Parang ang init nga.

"Inlove hindi naman Jas." Sabi ko at hinarap ang table ko. Inayos ko ang ilang papers sa table ko. Inlove ano 'yun?

Pero biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga bodyguard ni Gideon. Hala siya? Bakit nandito si Kuya? Pagkapasok nung bodyguard ay may pumasok din isa. Si Gideon. Para nga nagslow mo ang paligid nung papasok siya. Eh?

Napalunok ako nung magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya bahagya at may hinahanap na kung sino.

"Karl." Sabi ni Gideon. Lumabas naman si Karl sa office niya. Ngiting ngiting lumapit kay Gideon. Pagkakita ni Gideon kay Karl ay tumalikod na ito. Bago lumabas si Karl ay kinindatan pa ako.

Laglag panty.

"Siguro inlove ka kay sir Gideon.." napaharap naman ako kay Jas. " Lahat naman hata naiinlab diyan kay sir."

"Eh?"

Ano bang nangyayari sa akin?

Inlove? Hindi pa nga ako nakakapasok sa isang relasyon. Pero nahalikan na ako. I remember my first kiss happened accidentally when I was a kid. Siguro I'm 7. May kamukha nga yung lalaking yun ee. But it seems na hindi ko na talaga siya makikilala ngayon kasi siguro malaki na siya and old. I know 15 yrs. old yung lalaki nun. But let's just forget it. And my 2nd kiss happened when Nick kissed me. But it seems na mas magical yung first kiss ko kasi accidentally. Landi lang Aly?

Pero bakit si Gideon hindi pa niya ko kinikiss?

May inutos lang si Belle sa akin na may ibigay na folders sa HR. Kaya ngayon nasa ground floor ako para maibigay iyon. Pero nung nandun na ako I saw a familiar face. And si Nick yun.

Lumapit siya sa akin at agad akong yinakap. "Uhm Aly namiss kita agad. Please take my advice. Please" sabi niya iyon habang nakayakap sa akin.

"pero kasi.." ano nga ba ang dahilan Aly?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon