Kabanata 37

125K 1.2K 81
                                    


Kabanata 37

Maraming bawal


Pagkatapos naming mag-impake ng kaunting damit ay agad agad kaming umalis. Nagpahatid kami sa driver namin. Sabi ni Nica matagal ang byahe papunta sa probinsya nila. Malapit daw kasi sa bayan nila yung bayan na kinalalagyan ngayon ni Gideon. Marami pa nga siyang sinasabi hindi ko naman maintindihan. Iniisip ko kasi kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami. Hindi pa naman ako sure sa nararamdaman ko—I mean nahulog na nga ba ako sa kanya? Gusto ko na ba siya? 

"Bes. Excited na akong makita si nanay." nagtitili naman tong si Nica. Ngayon kasi makakauwi siya sa kanila at makakapiling niya ang pamilya niya. At masaya ako para sa kanya. "Pero syempre uunahin ko muna kayo." Para namang nangingisay sa kilig si bes. Eh?

Nagkwentuhan na lang kami sa byahe ng kung ano-ano. Pinag-usapan ang ilang bagay sa schools, crushes, at marami pang iba. Di naglaon ay nung napagod kami kakausap ay napagpasiyahan naming matulog.

"BESSSSS. BESS NANDITO NA TAYOO." napabalikwas ako ng sumigaw si Nica. Napaayos ng upo at sumilip sa bintana ng kotse. Napanganga talaga ako nung sumilip ako. One word 'Wow'.

Napalabas tuloy ako ng kotse at napalakad ng nakapaa sa puting buhanging nakikita ko ngayon. Wow! Ang ganda talaga. Grabe yung buhangin, yung mga puno, lalo na iyong dagat.

Napalapit ako sa dagat. Yung dagat kasing kulay ng mata ni Gideon. Kasing ganda rin niya ito. Napabuntong hininga tuloy ako ng maalala ko ang mata niya na kasing ganda ng dagat na nakikita ko ngayon.

Iginala ko ang mata ko sa paligid. Kakaunti lamang ang bahay dito sa bayan nila Nica. Ang fresh ng hangin. Ang sarap pumikit ng matagal at saka damhin lang ang hangin. Ang sarap mamuhay dito.

Sasabihin ko kay mommy na magpatayo ng bahay dito.

"Bes tara na samin papakilala kita kay nanay at saka kay tatay." Hinila naman ako ni Nica sa kanila. Pero kinuha muna namin ang gamit sa kotse. Sinabi ko na rin sa driver na umuwi na ito.

Malapit lang naman ang bahay nila Nica. Gawa sa kahoy at semento rin naman iyon. At kumportable rin naman manirahan. Hindi gaanong kalakihan pero ayos sa kanilang pamilya.

Mayamaya lang ay nasa bahay na kami. Para ngang nasupresa ang nanay ni Nica sa pagdating nito.

"Jusko ang anak ko.." Napayakap naman ang nanay ni Nica sa kanya. Medyo matanda na rin ito. "Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka hindi ko tuloy napaghandaan tapos ito basi Alysson, ay nak ang ganda nga niya parang artist" napakalas naman ang nanay niya ng yakap at tinignan ako.

Ngumiti ako in response.

"Nay naman okay lang naman. Opo si Alysson po 'yan. See? Ang ganda lang ng kaibigan ko noh? Kasi ganda ko rin. Haha"

"Hala sige, umupo muna kayo diyan ipaghahanda ko kayo ng inumin at makakain." Sabi ng nanay ni Nica at tumungo hatang kusina.

Binaba ko naman ang gamit ko sa kahoy nilang upuan. Maliit nga lang ang bahay nila. May telebisyon sa sala nila at may cabinet na kahoy at dalawang kwarto.

May radio rin sa gilid ng telebisyon nila. At may plastic na vase kasama ang plastic na flowers. Kung tutuusin ang parang mas maganda pang tumira sa ganitong bahay.Kahit maliit ay maganda at makikita mong masasaya ang mga nakatira rito.

Mayamaya lang ay dumating na ang nanay ni Nica at dala dala ang juice at biscuit.

"Pagpasensyahan mo na nak ito. Oo nga pala, nanay Percy na lang itawag mo." Binaba niya ang inumin sa lamesa.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon