Kabanata 18

129K 1.2K 29
                                    

Kabanata 18

Ayokong galit ka sa akin

 Nakakainis si Gideon hindi man lang niya ako pinagtrabaho kahapon. At ngayong linggo, hindi ko talaga siya pinapansin. Basta! God! Grabe siya, akala ko pa naman nagkaintindihan na kami sa trabaho ko.

Kahapon kasi noong pinatawag niya ako...

 Sumunod lang ako sa kanya dahil tinawag niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit? O baka naman dahil na naman doon sa pinag-utos ni Ms. Charlotte at hindi na naman siya nakaka-move on na inuutusan lang ako. Hindi ba niya alam? Hindi ba sa kanya sinabi ng mom niya iyon? God! Basta! Ang unfair niya! So, sumunod lang ako sa kanya at hindi ko alam kung ano o saan kami pupunta pagkatapos nito. May binabaan kami hanggang sa napunta kami sa ground floor. Biglang huminto ang isang Ford sa harapan namin. Pinasakay niya ako kaya sumakay ako. Diba kailangang sumunod sa CEO at baka mawalan pa ako ng trabaho kung hindi ko siya sundin?

 "Saan tayo pupunta?" sabi ko. Pero hindi niya ako pinapansin. Nakatingin lang siya ng diretso. Halata namang ayaw niya akong pansinin?

Wala akong choice kung hindi kalabitin at kausapin ang driver.  "Kuya saan tayo?" Ngumiti pa ako. Tumingin muna si kuya kay Gideon. Tumango naman si kuya tapos hindi niya ako pinansin. Kumukulo na ang dugo ko, bakit ba ayaw nila akong sagutin? May ginawa ba akong masama? Wala naman a! Nagtatrabaho lang ako!

Napapikit ako sa pagpipigil ng inis. God! Ayokong magalit. Nag-cross arm na ako habang nakaupo at pinapakalma ang sarili ko. Napatingin ako sa daan para malaman kung saan ba kami pupunta. Napapikit agad ako ng mariin ng makita ang pamilyar na bahay na dinadaan namin ngayon. God! Alam ko na.

Biglang huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin. Grabe. Grabe. Grabe. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga kami nagkakaintindihan ni Gideon. Urggh!

Bumaba na ng kotse si Gideon tapos ako? Hindi ako bababa hangga't hindi niya sinasabi kung bakit ginawa niya ito. Sumimangot lang ako. Tapos tumingin ng diretso kung saan basta! Basta! Nakakainis. Gusto ko ang ginagawa ko bakit ba niya ako pinipigilan. Tapos nautusan lang ako ng mga empleyado doon, wala na akong trabaho? Unfair!

Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse pero hindi pa rin ako tumitingin. Diretso tingin Alysson! Bumuntong hininga siya. "Bumaba ka na. May gagawin pa ako sa office." Napatingin naman ako sa kanya ng matalim. Kulang na lang umusok ang tenga at ilong ko. At kulang na lang mamatay siya sa tingin ko dahil sa talim nito.

Tumingin lang ko sa kanya. Tapos siya hindi mo malaman kung nagpapacute ba dahil kumurba na naman ang labi niya dahil sa pagpipigil ng ngiti. Pinagtatawanan ba niya ako? Aba! Ganun? Sige magpeke ka pa ng ubo mo! Akala mo hindi ko alam na pinagtatawanan mo ako?!

Tinitigan ko lang siya ulit pero biglang sumeryoso ang mukha niya.  "Bumaba ka na Alysson—"

 "Unfair. Bakit ganun, umuwi na ako agad? Tapos ikaw magtatrabaho na? OMG! Napakaunfair mo. Nagtatrabaho lang naman ako. Ganun talaga ang ginagawa ng trabaho ko, utusan Grabe..." umiiling iling pa ako. Lumabas na ako ng kotse at hinarap ko na siya. Kailangan ilabas ang feelings para guminhawa ang pakiramdam. "so unfair lam mo ba 'yun? Ibalik mo na ako sa kompanya Gideon. Ano? Fired na ba ako? Grabee! Napakaunfair—"

Naglakad si Gideon sa kabilang parte nung kotse. Tapos...tapos pumasok siya! Nakakainis! Ayoko na! Pumasok siya at pinaharurot ng driver 'yung kotse. Habang ako? Naiwang nakatayo at nakabukas ang bibig.

Unfair!

Napapikit ako ng maalala iyong nangyari kahapon. Naalala ko pa noong balak kong bumalik at mag commute ay may  pumigil sa aking umalis. 'Yung mga bodyguard niya na bantay sarado sa lahat ng sulok ng bahay. Ginawa ko na ang lahat pero wala talaga ang unfair lang niya!

At ngayon sa bahay hindi ko talaga siya pinapansin. Mas mabuti ng bumaho hininga ko kaysa makausap siya. Nanonood na lang ako ng palabas sa telebisyon. Imbis na matuwa ako ay nanggagalaiti ako sa mga character ng palabas. Nakikita ko ang mukha niya sa telebisyon at gustong gusto kong tirisin ang mukha niya. Kahit gwapo siya wala na siguro ako pakelam!

 "Ehem!" may nag fake cough. Hindi ako titingin kahit gwapo ka. Hindi talaga. Galit ako. Galit! Focus lang ako sa pinapanood ko at kunwari natatawa ako pero sa totoo lang nanggagalaiti na ako sa inis. Hindi ko siya papansinin.

Naramdaman ko namang umupo rin siya sa sofa. "Aly hindi—"

"Ah!" Napatayo ako sa sofa.  "May gagawin nga pala ako sa kwarto. Kailangan kong mag-isa! Ang unfair naman kung may kasama ako?!" Diniinan ko talaga ang ibang salita para lang malaman niya na naiinis ako sa kanya!

Bago ako makaalis sa pwesto narinig ko naman parang umubo ubo siya. Nagpipigil tumawa. Aba? Mahu-who you talaga 'to sa akin!

Pagkapasok ko sa kwarto, humiga ako sa kama. Napaigtag na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mommy.

Mommy calling...

"Mom?"

"Hi. Honey. How are you? How's your work?"

"Doing fine mom." Kahit hindi totoo.

"I'm glad. Okay ba-bye honey. Take care."

"I will Mom."

And the line went dead. Miss ko na si mom. Sana maayos na 'to. Kaya kailangan ko ng makabalik sa trabaho para hindi mag-alala si Mommy sa akin.

Pero did Gideon say that I'm fired? Uh-oh! Napalaki ako ng mga mata ng maisip 'to. Hindi pa naman niya sinasabi na wala akong trabaho e? Bakit kung maigting ang inis ko sobra sobra? Nagmamadali akong bumangon. Hindi ko na nga nakuhang magtsinelas. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Gideon. Napalunok ako ng makita agad ang mukha niya. Napababa agad ako ng tingin at nadestino ito sa katawan niya. God, Aly! Wrong move!

Umayos ka nga Aly! Chin up girl! I arched one brow. "Bakit?" I said while tapping my right foot. Naka-cross arm pa ko.  "Bakit? May sasabihin ka?" umirap pa ako. Kung unfair siya? Magiging unfair din ako.

Nagbuntong hininga siya.  "I'm sorry. Siguro nga napaka-unfair ko..." Bigla siyang huminto at hinuli ang tingin ko. "But maybe Aly I'm just scared about you...about losing you. Ayoko kasing galit ka sa akin. Natatandaan mo ba 'yung dati? Jesus! Akala ko hindi ka na babalik sa akin. Okay, you can go back to work." Napapikit siya ng masabi ang mga salitang iyon. Napasandal naman ako sa pintuan ng bigla niyang buksan ang mga mata niya at agad itong tumagos sa katauhan ko. "But please...don't leave me."

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon