Kabanata 49

112K 1K 28
                                    

Kabanata 49

Chat

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may tumutunog doon sa may side cabinet sa kama ko. Ayaw naman dumilat ng mata ko pinagpatuloy ko na lang ang tulog ko. Nang lumaon ay wala na akong narinig at pinagpatuloy na lang ang tulog ko. Miyerkules ngayon at magbabad talaga ako sa kama ngayon kasi wala naman akong pasok.

Siguro'y noong nakuntento na ang katawan ko sa sampung oras na tulog ay bumangon na ako. I groggily sit in my bed. Ang bes ko naman parang walang naririnig. Tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Kinuha ko naman ang phone ko sa may side cabinet.

Halos napatalon ako ng makita ang missed calls. 20 missed calls at siya lang ang tumatawag. At iba iyong digits pang ibang bansa. Hala? Sino naman kaya ang tatawag sa akin? Ang mahal nun. Shocks!

Hindi ko naman matawagan kasi pulubi ako sa load. Hindi naman kasi ako pala text e. At saka ang mahal kaya tapos hindi pa digits dito sa Philippines ibang bansa pa malay ko kung anong bansa iyong number na 'yun.

Tinignan ko naman 'yung oras. Nine o'clock na ng umaga. Mamayang pagkakain ng tanghali na lang ako magbabasa ng libro. Bumaba na ako at tumungong kusina para makakuha ng makakain.

Pagkakuha ko ay tumungo akong sala. Manonood kasi ako ng adventure time. I turn on the television. Buti na lamang at kakaumpisa lang. Napa Yes! Ako sa loob loob ko.

Pero nagulat naman ako ng biglang tumunog ang phone ko. At yung nagmiss call ko sa akin ng pagkarami rami ang tumatawag ngayon. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Pero naglakas loob na ako. Syempre malay niyo nangloloko lang pala iyon.

Kinuha ko ang phone at sinagot iyon.

Hindi pa ako nakapagsasalita ay nagsalita bigla yung tumawag sa akin. "Aly.." sa boses palang niya nakilala ko na siya. Ang tagal din naming hindi nagkausap. Kahit parang nagbago kaunti ang boses niya.

"Kuya Harry!" Napasigaw naman ako. Hala! Hindi talaga ako makapaniwala. Hala! Hala! Yung crush ko dati tumatawag sa akin ngayon. Nuba! Para tuloy akong kinikilig at naalala yung pag amin ko kay Gideon na crush ko ang kapatid niya. Pero dati na iyon. Kasi ang ngayon ko at panghabang buhay ay si Gideon.

"How are you? I've heard a lot of news about you."  May parang accent si kuya--- british accent.

Syempre dapat may accent din naman ako. "Uhm I'm okay kuya Harry. So, what now?"

Tumawa naman si kuya. Parehas silang tumawa ni Gideon. Ang hinhin dinaig pa ako.  "Talagang English Aly?" Nahihinuha ko na ang pagngiti niya.

"E kasi kuya ano...nag English ka, kaya napa English na ako."

"Kuya? You don't call my bro Azel kuya. Bakit ako kinukuya mo? He's older than me." Nagkaroon siguro ng isang minutong katahimikan bago ako makasagot. Para namang kasing ang hirap kunin yung sagot sa kaduluduluhan ng utak ako. Siguro ang kasagutan ay mahal ko si Gideon. And I don't need to call him kuya because he's my love. Anong pinagsasabi mo Aly?

"E kasi..."

"What Aly?"

Paano ko ba sasabihin? Alam ba niya? Malamang alam niya Alysson.

"What the hell! John Harry!" Parang  boses iyon ni Gideon. Narinig ko sa background.

"Sige na Aly. I don't know what happened to Azel at hindi siya ang masabi nito. My old bro ---"

"Harry!" Narinig kong yung background voice dun. Siguro si Gideon. Ang kulit.

"Chat daw kayo. Ayan na bro. Ayan. Can I go? It's already two in the morning. Bye Aly."  Narinig ko naman ang pagbigay ni kuya Harry ng phone kay Gideon. Two in the morning na! Saan naman kaya yan sa Europe? Hala!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon