Kabanata 29

124K 1.2K 107
                                    

Kabanata 29

Gusto?


Maganda naman ang katawan ko. May curve naman. Yung dibdib ko okay naman. Iyong mukha ko, okay naman wala namang pimples. Yung legs ko? okay naman flawless nga.

Okay naman. Ee bakit parang pinamumukha ni Manager Karl na parang hindi okay ang physical appearance ko? Eh?

Tama na nga ang pagtingin sa salamin. Magbihis ka na Aly.

At dahil wala na akong formal suit ay nagsuot na lang ako ng isang dress. Isang white fitted dress na makikita ang curve ng body ko at ang length nito ay above the knee. Kita yung legs kong flawless. Joke! Nag stiletto na rin ako ng kulay puti.

Inayos ko rin ang mukha ko. Nagmake up ng konti. Nilugay ang buhok and let it fall to right place. Pwede na siguro to?

Halos lahat ng tao nakatingin sa akin. Anong mayroon? Pagkapasok ko ng building. They're staring at me na parang may kasalanan ako. Sa natatandaan ko wala talaga akong alam na ginawa kong masama. Huwag mong sabihin na alam na nila ang tungkol sa amin. No! no! hindi naman siguro diba?

Pagkarating ko sa department ko, lahat sila nakatingin sa akin.

"May party ba? Saan? Alam ko sa Sabado pa yun at kila Belle pero anong meron?" bulalas ni Jas.

"Woo. Syet Aly sexy mo."

Eh?

"Anong meron?"

May narinig pa akong sipol. Eh?

Lumapit naman sa akin si Manager Karl. "Yan Aly huwag kang papatol diyan kay Diane. Tempt him" bulong ni Karl. Ha? Anong sinasabi nito?

Anong tempt him? "Sabi ko seduce him. Tempt him. Akitin mo." Bulong niya sa akin.

"Huh?"

Pinat naman niya ang ulo ko. "Hay, wala. Bata ka pa."

Doon ako lalo napa- HUH. "HUH?" NAPA-HUH TO THE HIGHEST LEVEL.

"Wala sige na ibigay mo nga to kay Andy." Pinat pa rin niya ang ulo ko. Para namang bata to. Nakakapout.

Binaba ko naman ang gamit ko tapos naglakad na ako patungong elevator. Pagkarating ko sa 13th floor naririnig ko ng bongga ang halakhakan ng tao sa office. Nakita ko naman si Andy kasi sa labas lang yung table niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Pinabibigay ni Manager Karl."

"Hay, yang Karl na 'yan kahapon ko pa kailangan tong report ee tapos ngayon lang binigay. Sige thank—"

Napatigil si Karl dahil ang lakas nung boses na nanggagaling dun sa office. Nag-aagaw atensyon. "Grabe naman yun love.. naalala ko talaga dati yun. Yung nahulog ako.. pero naman nandyan ka lagi para saluhin ako diba? Haha! Grabe naalala mo pa 'yun?" natatawang sabi nung babae sa loob ng office.

Tumingin naman ako kay Andy, umiiling siya. "Sige na, salamat dito Aly."

Lumabas naman yung tao sa loob. Tumatawa sila habang naglalakad. Ako napapanganga na lang talaga, ang sweet kasi nila. Hehe bagay nga sila, sumasangayon na ako kay Karl. Kulot kasi ang buhok ni Diane tapos kulay brown siya. Tapos yung mata niya kulay green, ang tangos ng ilong tapos iyong lips niya ang nipis. Yung katawan niya nga sexy tapos malaki nga ang hinaharap. Ang hot nga ni Ms. Diane.

Bagay talaga sila ni Gideon. Hay, naku huwag silang mag-aalala kasi inaayos na namin ang gusot namin, yung utang namin sa mga Jimenez. Magiging maayos din sila someday.

"Sige una na ako. Andy" bulong ko kay Andy.

Naglakad na ako patungong elevator pero may nagsalita. "Pwede ba kitang mautusan?" napaharap naman ako. Ako? inuutusan niya, okay.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon