Kabanata 14

130K 1K 15
                                    

Kabanata 14

Work

Dumating si mommy sa bahay namin para tignan kung ano ng nangyayari sa akin. Mga isang buwan na rin kasi ako rito sa bahay ni Gideon. Masaya naman si mommy dahil okay lang ako. Wala ngang siyang tigil sa pagyakap sa akin kasi namiss niya ako ng sobra. Kinamusta niya ako ng maigi tungkol sa pag-aaral ko. Kinuwento ko naman sa kanya na naka-uno kami sa defense. And she's so proud of me.

Pero napawi ang ngiti niya sa anunsyong binigay niya sa akin. "Honey you are going to work to a company. Nirecommend ko na ito sa university mo para sa OJT mo. Pero sabi naman nila may nakaprovide na sa'yo. But try this, after nito pwede mong subukan 'yung sa nirerecommend ng university. At sandali lang naman ito. " Hindi ko alam kung paano na lang tumalon 'yung pinag-uusapan namin kanina.

"B-but...m-mom bakit po?" Para bang may bumarang kung ano sa lalamunan ko pagkasabi ni Mommy ng katagang iyon. Bakit? Bakit kailangan kong magtrabaho? OJT ba? O trabaho na?

"Honey you need to. Nabalitaan ko kasi na malaki ang suweldo kapag nagtatrabaho sa Autohub Company which is company ng mga Jimenez. With this maaring mapadali ang pagbawi namin sa'yo. Your dad is also working on Autohub Company abroad, ibang brach somewhere in California. Tapos he's also travelling in Europe for other branch. Kaunti na lang honey mababawi ka na namin." Sabi ko na nga ba. Trabaho ito. Pero alam ko may bright side ito at hindi ko kailangan mag-conclude agad ng masama.

"Kung ito po ang makakabuti sa akin at magpapabilis ng pagbawi niyo po sa akin. Magtatrabaho po ako. " Napangiti si mom sa sinabi ko. Masaya akong nakakakita pa kami ng kaunti liwanag sa kabila ng nangyari sa amin. Na nakukuha pa naming ngumiti kahit ganito na ang binigay na pagsubok sa amin.

"I'm sorry. Gagawin namin ang lahat mabawi ka lang sa kanya." Napayakap ulit si mom sa akin.  Ramdam na ramdam ko iyong kagustuhan nilang mabawi nila agad ako sa kanila. Ganito nila ako kamahal. At tutumbasan ko ang pagmamahal nila sa akin.

"I love you mom."

"I love you too honey. Don't worry, alam naman ito nila Mr. and Mrs. Jimenez. They know how responsible you are. Sabi nga nila pwede ka ng mag-umpisa bukas."

Bukas? Seriously?!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon