Kabanata 28

124K 1.1K 62
                                    

Kabanata 28

Pagpapanggap?

Bakit ba ang clumpsy ko? nahulog ko kasi yung lalagyan ng mga pen sa table ni Andy. Nagmamadali akong pulutin iyon?

He kissed her? She kissed him?

Eh? Bakit ko naman naiisip 'yun? Ano namang problema kung may humahalik sa kanya? Eh? Focus Aly. Pinulot ko na lang yung mga pen na nabagsak. Pagkatapos nun ay nagmamadali akong tumayo at naglakad patungong elevator.

Pero may humila ng braso ko. Hinila niya ako papasok ng elevator. "Ano ka ngayon Aly?"

"Manager?! Balak mo talaga akong patayin noh?" sabi ko habang nakahawak ang kamay ko sa chest. Jusko! Akala ko kung sino ang humila sa akin.

Ngumisi siya bago nagsalita. Yung ngising may parang tinatago na parang may sasabihin. Yung ngising ang sexy. I die. "Nakuu iniiba mo ang usapan" umiiling pa siya tapos hindi mabura ang ngisi niya sa mukha. "May kahalikan yung asawa mo hindi mo man lang sinugod." Umiiling pa rin siya.

Eh? May sugod factor ba dapat? Bakit naman ako magrereact? Eh? May ganun ba talaga?

Napatitig na lang ako sa kanya. Ganun ba dapat.

Tinapik naman niya ang balikat ko habang umiiling. "Hindi ka ba nagseselos. Uulitin ko selos oo, selos selo—"

"Tumigil ka nga.. ano bang sinasabi mo?" Tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. Ano bang sinasabi nito? Selos? Ano 'yun? Natanggal naman niya ang kamay ko sa bibig niya. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. "Bakit defensive ka?" He wiggled his brows. Ang kyot.

Nilapit ko naman din ang mukha ko sa kanya. Fierce look dapat. "Hindi aa." Tinaasan ko siya ng kilay tapos crossed arms pa ako. Ano siya? Scientist? Nag-iimbento na lang kung ano ang maisipan?

Ngumisi naman si Manager.  Nag fierce look naman ako. Hindi ako papatalo—

"Anong nangyayari dito?!"

Napatingin naman kami ni Manager. Gideon.

Si Gideon kasama si Diane.

He kissed her.

Bakit ko naman naisip yun? Eh? Pati ba utak ko may problema na rin? Pati stomach ko? pati puso ko may sira na? Hindi pala namin na press ang button ng elevator. Nandito lang kami sa loob at nagbabangayan. Ay!

Inakbayan naman ako ni Karl. "Wala sirnagkukuwentuhan lang kami ni Aly about dun sa pupuntahan namin mamaya." Napakamot pa si Karl ng batok niya.

Tinignan ko naman si Gideon. Hindi man lang siya nagreact. At hindi rin ako nagreact sa sinabi ni Karl. Nakanganga lang ako dahil nakakapit si Diane na parang octopus kay Gideon. Eto namang si Gideon octopus hindi inaalis.

Eh?

Nilapit ni Karl ang bibig niya sa tenga ko. "Yan ang itsura mo kanina, Aly. Mukhang kakain ng tao 'yang asawa mo ngayon." Bulong niya. Nakiliti naman ako. Chos. Pero what? Ganun ba talaga?

Gideon's brows creased. His nose flared while looking at us. Fierce din ang mukha.

Ganyan din ba ako?

Napatingin naman ako kay Karl. Nagpipigil kasi siyang tumawa. Tapos tinignan ko rin si Gideon. Fierce look pa rin. Sa akbay ni Karl sa akin.

"Hay naku, tara na nga Aly. Sige sir una kami. Aalis pa kami nito." At pinindot na nga ni Karl ang button pababa.

Pagkapindot niya. Tumawa na siya ng wagas.

"Tangina nakakatawa talaga. Epic ng mukha niyo" tawa pa rin siya ng tawa. Hala siya? Anong nangyayari sa taong ito? Pero kahit ganun siya? Ang cute pa rin niya. Lumalabas yung dimples niya, itutusok ko na talaga ang daliri ko sa dimples niya. Hehehe!



"W-wait saan ba tayo tutungo?" Sumakay kasi ako ng Audi niya. Hindi ko man lang inalam kung saan kami tutungo.

"Palamig lang tayo sa mall. Alam ko namang susunod yun?"

 Naguluhan naman ako sa sinabi ni Karl na 'yun', sinong 'yun', anong 'yun'? Pero hindi na ako nagtanong, bahala na tong si Manager?

Pagkarating namin sa Mall which is Trinoma. Nagpacute agad ako kay Manager. Natatakam kasi ako sa ice cream, hindi naman siya nakatanggi bumili naman agad.

Kasalukuyan kaming nakaupo at kumakain ng ice cream. Marami ngang tao ang tumitingin dito kay Karl. Eto namang isa pacute ng pacute. Yung mga babae naman halos mangisay na sa kileg. Chos! Sino bang hindi kikiligin kapag lumabas ang dimples nitong si Karl? Wala mapapasuka ka ng candy kapag ngumiti siya. Lalag automatically ang panty mo. Syor ako dun. At isa ako dun. Chos.

"Si Diane, may dibdib malaki.." Napatingin naman ako kay Karl. Napatingin naman ako sa dibdib ko, okay naman aa, hindi naman malaki at hindi rin maliit okay lang naman. "Sexy" pagpapatuloy ni Karl. Tinignan ko naman ang tiyan ko, oo inaamin ko hindi super flat ang tummy ko pero okay naman. "Mahaba legs, kasing taas si Gideon. Perfect match." Pinitik pa niya ang kamay sa ere. Umiiling iling pa.

OO Na hindi ako katangkaran pero okay naman ang height ko. Maganda naman legs ko, flawless.

"At higit sa lahat hot. Smokin' hot."  Eh? Ayun, dun tayo talo? Hindi ko alam kung hot ako. Pero cute naman ako.

Hindi naman ako makareact. Bakit naman yun sinasabi ni Karl sa akin? Ano care ko?

"Tapos kapag nanamit, wala ang ganda talaga. Ang bait, perfect!" pumitik na naman siya sa ere.

Ako? Nganga.

Mabait naman ako, promise sabi ni Mommy tapos ni Daddy.

Kinalabit ko naman si Manager Karl. "Anong sinasabi mo?"

"Wala. He-he. Hindi naman ako nagpaparinig. Hehe" HUH? Ang gulo naman ni Manager. "..tara na nga hindi na hata dadating 'yun uwi na kita."

Gabi na rin pala, sumakay na akong kotse ni Karl. Hindi naman tahimik ang byahe namin kasi super kwento si Manager Karl ng buhay niya. Tapos minsan super suka na ako ng candy kasi ngumingiti siya after niyang magkuwento, lumalabas kasi ang dimples niya. Tapos laglag panga, laglag panty din. Wala na.

Dahil dito nakalimutan ko rin ang nangyari. Yung halik, yung halikan, yung kiss. "We're here" aniya. Bumaba naman si Manager at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at pinapasok ko naman si Manager sa bahay. Wala namang masama.

"Upo ka mun—"

"San kayo galing?" napatingin naman ako nagsalita. Slow mong bumaba si Gideon sa hagdan. Joke sa isip ko lang. lunok, bakat 'yung abs niya sa damit niya. Lunok, ang sexy nung pajama niya.

Nakatingin lang si Gideon. Seryoso siya.

"Una na ko. Mahal ko buhay ko Aly" Nakangising sabi ni Karl.

"Pero hindi—"

"Di na sige na bye.."

"Okay ingat ka."

"Para sa'yo mag-iingat ako" kumindat pa si Karl. Laglag panty na naman ako.

At tuluyan ng nawala sa paningin ko si Manager Karl. Kinakabahan naman akong humarap, baka kainin ako nitong tao sa likod ko. Joke!

Yumuko ako tapos naglakad.

"Aly all you need is to trust me. Please, baby trust me."

Napatingin naman ako sa kanya. "Naku yung kiss niyo ba ni Ms. Diane? Okay lang ganun talaga. Mahal mo siya kaya pwede siyang magkiss. At" ngumiti ako sa kanya. "Matatapos rin to mababayaran din namin yung utang namin sa inyo diba? Konting kembot na lang magiging masaya ka na. Okay?" Tama lang naman sinabi ko.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. At yung mata niya biglang nagdilim.

"Matatapos na rin ang pagpapanggap na 'to?" sabi ko at naglakad na patungong kwarto ko.



U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon