Kabanata 3

170K 1.7K 46
                                    

Kabanata 3

Kasal

Buong biyaheng tahimik lang ako at hindi sumusulyap sa lalaking katabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang nangyayari ngayon? Bakit niya ako sinundo? Ano na naman ba ang mangyayari? Ikakasal na ako ngayon na?! God! Unti unting nag-igting ang inis ko. This is not good! Grabe na sila kung ganoon man!

Huminto sumandali ang kotse sa isang napakalaking bahay at bakuran. Biglang bumukas ang isang gate na kahoy at tila isang remote ang nagpapagana rito. Umandar na ang kotse at huminto ito sa tapat ng pinto ng bahay. Pinagbuksan ni kuyang driver si Gideon ng pinto ng kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse kung na saan ako pero napatalon ako nang bigla itong bumukas.

"K-kaya ko namang buksan..." nauutal kong sabi habang nakalagay pa rin ang kamay ko sa dibdib.

"I want to do it." Sabi ni Mr. Jimenez...ni Gideon at inilahad ang kamay niya. Kinuha ko ang kamay niya pero bigla ko naman itong binawi. Narinig kong napabuntong hininga siya sa ginawa ko.

Pumasok na kami sa loob. Napabukas ako ng bibig nang makita ko ang loob ng mansyong iyon. May iilang paintings ang dingding nito. Napalakad pa lalo ako nang napukaw ng atensyon ko ng isang painting. Si Mr and Mrs. Jimenez iyon nung kabataan pa, si Gideon at isa pang bata. Hindi ko alam pero parang nakita ko na si Gideon base sa mukha niya noong bata. Pati na rin iyong kapatid niya. Kahit bata siya ay gwapo pa rin ang mukha niya. Pinagmasdan ko rin ang ibang bagay sa bahay na iyon. Tumingala ako at nakita ang napakagandang chandelier sa taas nito, parang puro diamond. Living room palang 'to? Paano pa kaya ang mga kwarto ng bahay? Napapailing na lang ako. Dinoble nito ang laki ng bahay namin. Ang ganda rin ng sofa nila, nung mesa, lahat mamahalin at natitiyak kong sa ibang bansa pa iyon binili.

"Ma'am Aly tara na po at kayo ay makapagbihis na." Nawala ako sa pagmumuni ng may tumawag sa akin. Masyado bang hindi bagay ang suot ko rito? Naka-jeans at naka ordinary t-shirt lang naman ako. Mali ba ito? Bawal bang magsuot ng ganito rito?

"Uh..." Hindi ako makasagot. Tinignan ko si Gideon, tumango siya. Kaya ibig sabihin sumunod ako. "Sige po." Sabi ko at sinundan na ang maid.

Pinapasok niya ako sa isang kwarto. Napanganga na naman ako sa ganda ng kwartong iyon. Pero napukaw ng atensyon ko 'yung isang puting dress na simple lamang ang design. Siguro may sukat ito hanggang sa taas ng tuhod ko.

Nilapitan ako ng maid at... "Ako na po. Kaya na pong magpalit uh...maligo mag-isa." Gusto niyang tanggalin ang damit ko. Napailing at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "Diyan na lang po muna kayo." Hinarang ko ang kamay ko sa kanya para itigil niya ang balak niyang gawin sa akin.

"Pero ma'am..." Napasimangot si ate sa akin. Alam ko namang pinag-uutos ng amo niya ito pero kaya ko naman.

"Sige po kaya ko na po." Pumunta agad ako ng banyo para hindi na magsalita si ate. Nagmamadali akong naligo at agad sinuot ang bathrobe. Napatayo agad ang maid ng makita akong lumabas ng banyo.

"Ma'am!"

"Umupo po kayo rito at maayusan kayo—teka tawagin ko lang po 'yung mag-aayos sa'yo!" Nagmamadaling lumabas si ate pagkasabi niya. Umupo ako sa upuang inalok niya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ito na ba ito? Napapikit ako at namuo na ang luha sa mata ko. Minulat ko ito at pinunasan ang luhang nagbabadyang lumabas. No you won't cry Aly. This is for your mother and father.

Napaayos ako ng biglang pumasok si kuya na parang babae. Wait...teka. "Halu! Madam. You can call me Goddess! Ako po ang mag-aayos sayer!" Nakataas pa ang dalawang kamay niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Confirmed! Gay siya.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon