Kabanata 46

117K 1.1K 27
                                    

Kabanata 46

We belong

Ang lungkot. Kahit kinausap na niya ako na uuwi naman siya agad kapag naayos yung mga branch sa Europe ay hindi pa rin ako kumbinsido. Nalulungkot talaga ako.

Ang dilim na at parang uulan ngayong gabi kasi walang bituin. Pauwi na kami sa bahay. Napapansin ko ang pagsulyap ni Gideon sa akin. Nakakailang buntong hininga ako. Pinipigilan ko na lang ang luha ko.

Kasi ayaw ko siyang umalis. Dapat dito lang siya. Tapos nalaman ko pang kasama si Ms. Diane sa Europe. At kasama siya sa bawat biyahe at kung saan saang bansa sa Europe ay kasama siya. Kasama si Ms. Diane. Kasama siya paano na lang bumalik yung pag-ibig ni Gideon kay Diane. Paano na lang na hindi na umuwi si Gideon? Paano na lang---

"Hey."  Hindi ko napansing nasa bahay na pala kami. Kasi naman siya lang naman iniisip ko. Pati na rin yung mga what ifs. Hindi talaga ako mapakali. Kasi nga kasama si Diane. Paano na lang kung akitin ni Diane si Gideon?

Paano na lang kung kunin ni Diane si Gideon?

Umiling na lang ako. Bumaba na akong kotse. Sumalubong naman si manang sa amin.

"Kamusta lakad?"

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Gideon sa amin.

I smile. "Okay naman po. Masaya." Masaya nga ba Aly?

"O halika na kayo at kumain na. Para makatulog na kayo."

Sumunod na kami kay manang. Grabe, hindi ko talaga kayang imikin si Gideon ngayon. Hindi ako makapag-open ng kung ano.

Kumain na lang kami. At sobra talagang tahimik. Walang umiimik sa amin. Siguro iniisip ngayon ni Gideon na ayaw ko siyang paalisin. Na iisipin niyang makasarili ako kasi sarili ko lang iisipin ko kung ayaw ko siyang paalisin. Pero hindi naman ganon e.

Pagkatapos kumain ay tumungo na akong kwarto. Siguro itulog ko na lang ito. Mas mabuti naman siguro iyon kesa mag-isip ako ng mga what ifs. Kaysa guluhin ko ang sarili ko sa mga walang kakwenta kwentang bagay.

Naglinis na ako ng katawan at nagbihis ng pantulog. Pagkatapos ay humiga sa kama. Pinikit ko na ang mata ko.

Pero lumipas ang isang oras ay hindi ako makatulog. Naiisip ko iyong mga what ifs. Naiisip ko yung mga maaring mangyari kay Gideon sa Europe. Maaring mamasyal sila sa Paris ni Ms. Diane. Maaring tumungo silang London. Maaring---

Stop Aly! Kung ano ano iniisip mo!

Napaupo ako at umiling iling.  Sinampal ang pisngi ko gamit ang kamay ko. "Wake up. Wake up!" sabi ko sa sarili ko.

Hindi maaring isipin ko iyon. Nag promise si Gideon. Sabi niya ako lang daw. Kaya paniniwalaan ko iyon.

Humiga na ulit ako. Pumikit pero mga minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Naisip ko na naman si Gideon. Mamimiss ko talaga siya. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Sabi niya isang linggo or more than pa doon? Paano na?

Sa Europe siya tapos bumabyahe kung saan saang bansa sa Europa.

Naguguluha na talaga ako. Dami kong naiisip.

Tumayo na ako. Tutunguhan ko si Gideon. Kakausapin ko siya. Bukas na kasi ang alis niya tapos hindi pa ba kami pwedeng mag-usap?

Naglakad na ako patungong kwarto niya. Hindi na ako kumatok. Buti na nga lang hindi naka lock ang kwarto niya. Pumasok na ako.

Tulog na si Gideon. Lumapit na ako sa kama niya at umupo roon. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Mamimiss ko talaga siya. Isang araw nga lang na hindi ko siya makita, nalulungkot na ako paano pa kaya kung linggo pa?

Hindi ko mapigilang hindi ko hawakan ang  mukha niya. Pati na rin ang buhok niya. Ngayon ko lang nahawakan ang buhok niya ng ganito.

Napapakagat na ako ng labi. Umiinit na rin ang gilid ng mata ko. Naiiyak na ako.

"This is what I didn't like, leaving you crying. You make me hard to leave you, baby" Minulat ni Gideon ang mga mata niya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Umupo siya at hinarap ako.

Umiiyak na pala ako. "Wala puwing lang siguro 'to." Palusot mo Aly!

"Tara nga." Yinakap na ako ni Gideon. Wala na hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Basa na rin siguro ang damit ni Gideon. Naiiyak din ako sa bango ni Gideon. Mamimiss ko talaga yung amoy ni Gideon. Isa pa yun!

Hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Pinapahirapan mo naman akong umalis bukas." Aniya. Kinalas niya ang yakap. He cups my face. "Baby..." Ngumiti siya sa akin. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. Hindi ako makapagsalita.

"Kasi naman..natatakot lang ako na baka..." Hindi ko naman matuloy.

He chuckles. Hala siya. "I'm more scared than you baby, I will leave you and there's a possibility that I'll lose you. Maaring sa pagbalik ko hindi ka na akin. Na nawala ka na sa akin. Mas natatakot ako, baby." Tinitigan ko ang mata niya. Parang dumilim ito, hindi na kasing kulay ng dagat. Grabe, mga isang linggo lang naman o dalawang linggo lang naman siyang mawawala. Pero hindi naman ako mawawala sa kanya.

Parehas kami ng naiisip ni Gideon. "No! Hindi ako mawawala sa'yo" Nagtitigan na lang kami pagkatapos ay unti unting lumapit ang mukha namin sa isa't isa. Then his lips touch mine. He kisses me deep. His kiss is sweet as him.

His right hand holding my back while the other one is cupping my face. I caress his head as the kiss become deeper. Ang lambot ng buhok ni Gideon ang sarap hawakan.

Hindi ko namamalayang napapahiga na ako dahil sa halik niya. Sinusuportahan ng kanyang kamay ang ulo ko habang pahiga and while we're kissing.

We are both catching our breath after the kiss. We look to each other's eye and he presses his forehead onto mine. "Jesus." He said while catching his breath. Naamoy ko talaga ang hininga niya.

Napapikit na lang si Gideon at parang nagtitimpi sa kung saan. Naalala ko tuloy yung first kiss ko. I smiled at that thought. Naalala ko tuloy yung aksidenteng nahalikan ni Gideon ang labi ko. Or can we say na aksidente kong nahalikan ang labi ni Gideon. Hehe.

Umayos naman si Gideon ng higa at tumabi sa akin. "Not the right time." Napatingin naman ako kay Gideon.

"Ha?"

"Nothing baby." at ngumiti siya. Ano naman kaya ang naiisip ni Gideon?

"Oo nga pala..." Nakuha ko na naman ang atensyon ni Gideon. "...Huwag kang masyadong lalapit kay Ms. Diane a, mga isang kilometro dapat ang layo a."

Tumawa naman si Gideon. Hala!

"Totoo ang sinasabi ko. Naku!" Yinakap naman ako ni Gideon. Ang bango bango bango bango bango niya talaga. I'm sniffing his manly scent.

Yinakap ko rin siya. Natawa rin sa pinagsasabi ko. "I told you I'm selfish Gideon." Ginaya ko yung sinabi niya dati.

Tumawa naman siya. Natawa rin ako. Sana nga ganito na lang lagi. Sana na nga. Nararamdaman ko rin ang paghalik niya sa buhok ko. Hindi ko nga mabilang kung ilang halik ang nagawa niya. Para ngang inaamoy din ako ni Gideon katulad ng ginagawa ko sa kanya.

"Parang iniisip ko lang na hindi kita makikita, mababaliw na ako." Bakit ba kasi ganito magsalita si Gideon? Masyado siyang nagpapamiss.

Hinigpitan ko na lang ang yakap ko. Ganun din naman ang ginawa niya. "Kaya dapat ako lang." Sinong nagbigay ng lakas ng loob sa akin para sabihin iyon?

"I belong with you, and you baby belong with me. That's all." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. May tiwala ako kay Gideon dahil sa sinasabi niya at dahil sa mga aksyong ginagawa niya. Dahil dito wala ng pangabang bumalot sa akin.

And as he kissed my hair, I fell asleep.


U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon