Kabanata 5

154K 1.4K 37
                                    

Kabanata 5

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Umaga na pala. Ang sakit ng mga mata ko, siguro dahil sa pag-iyak ko kagabi. Panibagong yugto ito ng buhay ko. Panibagong takbo ang mangyayari sa mundo ko. Pero ang tanging magagawa ko ay sumunod sa agos nito.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo ng kwartong iyon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ang singsing na nasa daliri ko. Kahapon hindi ko namalayan ang singsing na ito na sinuot sa akin dahil wala naman ako sa sarili ko. This ring is just a sign of foolishness. This will never be a sign of forever, never in our situation.

Tumingin ulit ako sa salamin at nakitang namumugto ang mga mata ko. Naghilamos tuloy ako ng mukha at nagbabakasakaling mawala ang pagkamugto nito. Pagkatapos ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto para...ano ba? Bakit nga ba ako bababa? At bakit hindi kami magkatabi? I mean nasaan na siya? Hindi ba dapat nasa kwarto kaming dalawa? What the heck! Aly?! Ano ba 'yang iniisip mo?!

Mabuti na nga lang naisip ko agad kung bakit ako bababa. Papasok ako sa university at iyon talaga ang nararapat kong gawin kaysa mag-isip ng walang kwentang bagay. Umalis na ako ng kwarto. Pagkabukas ko, natulala ako sa nakita ko. Ang ganda ng bahay. Ang lamig sa mga mata nito. Pero ang problema lang, hindi ko alam kung kakanan ba ako o kakaliwa? O kaya dirediretso lang. Napagpasyahan ko na lang dumiretso kahit hindi ko alam kung saan ito paroroon. Anong oras na ba? Baka mahuli ako sa klase. Napapikit na lamang ako at napailing sa sitwasyon ko ngayon. Pero laking gulat ko nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod nang sobrang higpit. "Akala ko iniwan mo na ako. Akala ko..." Hindi na niya natuloy iyong sasabihin niya dahil binaon na niya ang mukha niya sa buhok ko. Naistatwa ako sa ginawa niya at ang tanging naririnig ko na lang ay ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"Uhm....Mr. Jimenez. Bakit?" Napapikit ako at inalis ang yakap niya sa akin. Dumistansya ako sa kanya para maalis iyong bilis ng tibok ng puso ko at maging normal na ito.

Tinitigan naman niya ako sa mata pagkatapos. "I'm sorry...it is just that...I thought you left me. Akala ko umalis ka nang hindi nagpapaalam." Iniwas niya kaagad ang tingin sa akin pagkasabi niya 'nun. Lumakad siya papalapit sa akin at nagsalita, "Aly, let's have breakfast." Aba? Iba na naman ang mood niya? Pero...pero ngumiti siya. Ngumiti siya, Aly.

Lumundag naman ang puso ko noong makita ko ang ngiti niya. Nakita ko siyang ngumiti nang hindi niya iyon pinipigilan. Nakita ko talagang ngumiti si Gideon.

"Tara na." Hindi ko napansin na nasa harapan ko siya. Napayuko ako dahil alam kong namumula ang pisngi ko kakaisip sa mukha niya. But I am shock when he lifts my chin to meet his eyes. Nararamdaman ko na naman na umaakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. "Aly," ngumiti na naman siya. At hindi na ako makahinga pa dahil napakalapit ng mukha niya sa akin. Halos maamoy ko na ang hininga niya na sobrang bango. "Ah. Ee. Mr. Jimenez, bakit po uh..." nauutal at nanginginig kong sagot. Pwede namang mag-usap ng malayo ang mukha di ba? Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Hindi rin mawala ang ngiti niya sa akin. Aba! Baka pinaglalaruan na ako ng lalaking 'to?!

"From now on..." sabi niya at huminto sandali. Sumeryoso ang mukha niya. "...don't call me Mr. Jimenez. Call me Gideon. But..." huminto ulit siya. "Pero kung tatawagin mo akong Mr. Jimenez. I'll kiss you." Nalaglag ang panga ko sinabi niya. Kiss? What the heck?! Hindi pa ako nakapagsasalita ay bigla ulit siyang nagsalita, "just kidding," sabi niya at lumakad na. "Diretso ka lang makikita mo na ang kitchen."

Hindi pa rin ako makakilos sa nangyari. Aba! Parang hindi naman joke 'yun e. Inayos ko ang sarili ko at naglakad nang diretso. Iyong pangyayari kanina ang nasa isip ko. Ikiskis ko siya sa pader e. At saka hindi biro 'yun!

Nakarating ako ng kusina na nanggagalaiti sa nangyari kanina. Pero napawi noong namangha ako sa ganda ng kusina. Isang modern na kusina ngunit may shade pa rin ito ng classic na kusina noong unang panahon. Malamig sa pakiramdam ang kusinang iyon. Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang lalaking laging nagpapalaglag ng panga ko. Si Gideon. Nakaupo siya, preskong-presko, at kalmadong binabasa ang artikulo sa dyaryo. Ngayon ko lang napansin na nakapangtrabaho na pala siyang suot. He's wearing a Calvin Klein two button black men's suit.

"Aly, tara na rito," aniya. Napatalon naman ako. So? Alam niyang nandito na ako mula kanina.

"Teka lang Mr.—Gideon pala. You heard it right. Sabi ko Gideon." Muntik na ako doon. Muntik na akong...ano ba tong iniisip ko? Umaayos ka! Alysson!

"Take a seat," pagkasabi niya 'nun ay umupo na ako. Umupo ako sa upuang malayo sa kanya. Naninigurado lang na ano? Na ano? Aba! Aly umaayos ka nga. Umiling na naman ako sa naisip ko. Bakit ba natataranta ako kapag nagsasalita siya? "Aly," at nataranta na naman ako.

"Yes? Mr—I mean Gideon," muntik na naman ako. Huminga ako ng malalim. Umaayos ka Aly.

"What did you say?" nakangisi niyang sabi sa akin.

"Gideon," tumitig naman ako sa kanya. Nakipagtitigan siya sa akin. Hindi ko makakayanan ang titig niya. Para akong matutunaw sa bawat tingin niya.

"I love it when you say my first name and when I hear from you," napalunok ako roon.

"Uh...Kain na ko." Hindi ko alam kung bakit ang mga salitang ito ang nabigkas ko. Kumuha na ako ng makakain. Susubo na sana ako nang mapansin kong nanonood siya sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Napatalon na naman ang puso ko. Mas lalong bumilis ang tibok nito nang bigla siyang nagsalita. "Nothing Aly," sabi niya at ngumiti ulit. God! Ano bang nangyayari sa'yo Alysson?!

Umayos ka puso ko. Umayos ka! Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. Pero hindi rin ako makakain ng maayos dahil alam kong tumitingin siya sa akin. Tapos hindi rin humuhupa ang tibok ng puso ko. Kahit hindi ako maka-focus sa kinakain ko pinipilit ko pa rin itong ubusin. Nakayuko ako habang kumakain kasi nako-conscious ako sa tingin niya.

"Aly." A! Bakit ba lagi na lang niya ako tinatawag?!

Napatalon naman ako sa upuan ko dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Paano nangyari iyon? Kanina lamang nandoon siya sa dulo tapos ngayon katabi ko na siya?

"Mr. Jimenez. Bakit?" Patay! Anong sinabi ko?

"What did you say? Aly," lumaki ang ngisi niya. Ako naman, pilit lumalayo sa kanya.

"Uh...Gideon..." God! Anong gagawin niya?

"No. You didn't say that," lumalapit nang lumalapit ang mukha niya sa akin.

"Uhh..." I can't even say a word. Oh God! Mas lumapit pa ang mukha niya sa akin. Napapikit na lang ako at naghihintay na lumapat ang labi niya sa akin. Pero mga minuto ang lumipas ay hindi labi niya ang lumapat. Napamulat ako at nakita ko ang daliri niya na pinupunasan ang gilid ng labi ko.

"I told you. I respect you Aly. At saka nagbibiro lang ako." Iyong mata niya nakakaadik na parang ayaw mong maalisan ng tingin. God!

"I'm sorry," napapikit ako at kinalma ang sarili ko sa mga iniisip ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin na malapit siya sa akin.

"You don't need to say sorry Aly," napadilat ako ng mata at nakita ko na lang na nakatayo siya sa harap ko habang inaayos iyong relo niya sa kamay, "let's go."

du)

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon