Kabanata 1

252K 2.2K 85
                                    

Hi, guys! I'm gonna post the chapters! You've been warned. May mga grammatical error. May mga problema kasi. Yes, that's why i want to edit it. Pls. Pls. Pls. Para sa mga gustong basahin ito muli, okay? Hindi kasi ako maka-edit talaga ngayon. Sobrang busy so post ko na lang 'yong dati (Or yong sa ano--oops)

Hope you'd understand! 

**

Kabanata 1

Pagkikita

"Sorry..." Hindi ko alam kung ilang beses ko narinig ang salitang iyon. Isa? Dalawa? O tatlong beses hata? Walang kasiguraduhan pero ito ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog.

Mom? Bakit?

Humihingi siya ng pasensya habang hinahaplos ang braso ko. Nanginginig pa ang mga kamay niya dahil dito. Halatang hindi siya mapalagay kaya napamulat ako ng mga mata. "Honey, I'm sorry. Hindi talaga namin...a-alam ng daddy mo kung ano ang gagawin kaya ito..." A sob escape from my mom, "sorry baby girl...kapag nabawi namin agad ang shares, kukunin ka namin sa...k-kanya." Hindi na napigilan ni mom ang tuluyang umiyak dahil dito. Marami akong tanong pero hindi ko makuhang maitanong dahil alam kong maguguluhan din ako. Nasasaktan ako kapag nasasaktan sila mom pero anong magagawa ko?

Parang kahapon lang ang saya-saya namin. Pero ano 'to? Bakit sa amin pa nangyayari ang mga ganitong bagay?

Kahit naguguluhan at maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko sa sinabi ni mom, pinilit ko pa ring intindihin at umoo sa sitwasyon. "Okay lang po 'yun," Ngumiti ako para kumalma na si mom. Pero sa kalooban ko higit akong nasasaktan dahil wala akong kaalam-alam. Napapapikit ako nang mapayakap ako kay mom. Nanginig ang buong katawan ko sa hagulgol na ibinigay niya.

"Sorry...baby girl," isang mahigpit na yakap ang ginawa ni mom bago siya kumalas dito at talikuran ako. "Kukunin ka niya sa amin. You're too young. Maraming pangarap pero ito ang nangyari. Sorry Alysson. Sorry...." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni mom. Tumayo ako sa pagkakaupo para kausapin sana siya pero sumenyas siya na huwag kahit nakatalikod siya sa akin.

Bakit? Bakit kailangang sa amin pa mangyari ang ganitong bagay? Maayos naman ang lahat sa amin. Si mom...si dad mabubuti naman silang tao. Bakit sa amin pa? Kung sinuman ang may pakana nito -wala siyang puso! Wala siyang pakiramdam! Wala!

"Sino po? Ha? Bakit po?" sunod-sunod na tanong ko pero ni isang sagot wala akong nakuha.

"Take a bath at mag-ayos ka na. Nandito na siya," sabi ni mom saka umalis ng kwarto ko. Kahit gulong-gulo ako, ginawa ko pa rin ang pinag-uutos niya. Naligo ako at nagbihis ng maayos.

Pagkaayos ko, bumaba na ako. Nakita ko agad sila mom at dad na may kinakausap. Naiyukom ko kaagad ang kamay ko dahil sa naramdamang galit na namuo sa dibdib ko. Sila? Sila ba ang tinutukoy ni mom?

May dalawang tao ang kasing tanda ni mom at dad sa may sofa. Mukhang desente naman silang tao dahil sa may pagka-formal ang mga suot nila. At may isang lalaking nakatayo at nakatalikod. Medyo lumayo siya sa pwesto ng mga magulang ko dahil may kausap siya sa telepono. Abala kasi sina mom sa pag-aakikaso sa kasama nila.

Bago ako pumunta sa pwesto nila inayos ko muna ang sarili ko. Kaya ko 'to. Hindi ko kailangan magpadaig sa nararamdaman kong inis. Hindi dapat. "Mom, Dad." Lahat sila napatingin nang magsalita ako maliban lang doon sa lalaking nakatalikod.

"Honey, nandito ka na pala," Lumapit si mom sa pwesto ko at inaya ako sa lugar nila kanina. Napatingin ako kay dad at tumango lang siya nang nakita niya ako. There is something on my father's eyes that I can't figure out.

Para bang sasabog na ako at hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ko ngayon. Halo-halo na lahat at parang hindi ka na makahinga. Huminga ka lang parang nakaka-suffocate na. Hindi ko alam kung anong dapat ang unang gawin tungkol dito. Wala akong kaide-ideya.

Napatingin ako sa mga bisita. Sila? Sila diba ang dahilan ng lahat ng ito? Nanginig ang kamay ko sa pagkakayukom. Napapikit ako sandali para pigilan ang sarili ko. No, I won't go any further with this. Kailangan kong kumalma.

"She's beautiful," Napadilat ako ng mata nang marinig ang boses na iyon. Saktong pagdilat ko ang paglapit nung bisita naming babae sa akin. Agad niya akong hinalikan sa pisngi pagkalapit na pagkalapit niya.

"Thank you po," a fake smile slipped in my lips.

Niyakap niya ako at inalalayan ako sa pwesto ng asawa niya. "Hon, see? Your son has a good taste." Napatango at napangiti ang asawa niya nang i-approach siya nito. Kaedaran naman ni daddy iyong bisita naming lalaki.

Your son has a good taste.

Umalingawngaw ang katagang iyon sa akin. So? Anak nila ang lalaking kanina pa may kausap at hindi humaharap sa amin? Bakit ba ayaw pa niyang tapusin ang ginagawa niya para naman matapos na ang lahat ng ito at nang malaman ko na kung anong mayroon? God! Kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Inakay naman ako ng mom niya sa kanya. Sa wakas, makikita ko na talaga itong lalaking wala naman hatang pakealam sa nangyayari ngayon. Pero hindi ko alam ang rason kung bakit nangangarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Para bang maaalis na ang puso ko sa dibdib. Dumagdag pa itong sikmura ko na parang bumabaligtad sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa lalaking iyon. Grabe! For the first time, kinabahan ako ng ganito. No Aly, hindi! Nagugutom ka lang kaya ganito.

Mga tatlong hakbang pa ay makakapunta na ako sa lugar nung lalaking nakatalikod sa amin. Napalunok ako nang bigla kong pagmasdan ang likod niya. God, Aly! Stop staring! Napapikit tuloy ako dahil dito at sa kagagahan ko ay hindi ko na alam 'yung kasunod na nangyari. Na-out of balance ako at handa ko ng mahalikan ang sahig o maging worst pa. Pero...pero...hindi ako tumama sa sahig...tumama ako saan? Naramdaman ko na lang na may humapit sa bewang ko. Nanatili akong nakapikit dahil ayokong makita ang kahihiyang ginawa ko. God, Aly! Umayos ka! Ayoko na ring dumilat dahil sa kakaibang amoy na iyon. Ang bango-bango! Pero biglang pumasok sa isip ko ang pabangong iyon.

Pabangong panlalaki?!

Napamulat ako ng mata dahil roon. Napanganga ako at napalaki ang mata ko sa nakita ko. At higit sa lahat, parang masusuka na ako dahil sa nakikita ko. Napakalapit ko sa kanya, ang mukha niya malapit na sa mukha ko. Napatitig ako sa kanya. Ang ganda ng mata niya. He has a sexy and strong jawline. Umakyat ang tingin ko sa labi niya, ang pula nito. Napalunok ako sa naisip ko. Iniwas ko ang tingin ko sa labi niya at napunta naman ito sa mga mata niya. Naaakit ako sa mga mata niya. He has beautiful—the most beautiful eyes I ever seen.

"Aly," aniya at kumurba ang labi niya. Humigpit pa iyong hapit niya sa akin dahil nawalan na ako ng balanse sa sarili ko.

Kilala niya ako?

Napaayos ako ng pwesto at kumalas sa pagkakahawak niya sa akin. Inayos ko muna ang dress ko. Tumayo ako nang maayos kasi kabang-kaba ako sa nangyari sa akin. Hindi na normal ang tibok ng puso ko dahil dito.

"Hi," Hindi ko alam kung anong rason at ito ang sinabi ko sa kanya. Napatitig ako doon sa lalaki, para ba siyang nagpipigil ng ngiti sa akin. God! Nakakahiya talaga ang ginawa ko!

May narinig akong yabag kaya pinilit kong doon ituon ang atensyon ko. Si mom pala. Mabuti na lang lumapit siya rito. Agad nagtama ang mga mata namin pero may iba sa mga mata niya. Para bang puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Nanikip ang dibdib ko sa titig na iyon. Sobrang nasasaktan si mom sa nangyayari kaya kusa na akong umiwas sa titig niya. Nararamdaman ko rin kasi ang sakit na nararamdaman ni mom. Napakagat ako ng labi nang makita naman si dad. God, bakit? Bakit sa amin pa? Maayos naman kami. Kuntento na ako kung anong mayroon sa akin.

Pero tuluyan na akong nabasag nang bigla kong narinig iyong salitang magpapabago ng lahat sa akin.

"Honey, this is Gideon Jimenez, your fiancé."



U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon