Kabanata 17

129K 1.1K 11
                                    

Kabanata 17

Ako nga!

Lumipas ang mga araw at naging kumportable na ako sa mga kasama ko. Nakikipagbiruan na rin ako sa kanila at sila rin sa akin. We're doing fine. Maayos kami nakakapagtrabaho at pang anim na araw ko na hata rito.

Pero nung nakilala ko si Charlotte na tinuturing nilang babaeng hipon ay naging masaklap na ang pagtatrabaho sa kompanyang ito. Panay utos niya sa akin kahit napakababaw na gawain. Hindi naman sa nagrereklamo pero off the limits naman at kaya niyang gawin mag-isa sa sarili niya. Hindi naman niya ako personal assistant. Pero kahit ganun sinusunod ko pa rin siya para wala ng gulo.

 "Hey Alysson! Can you buy me a coffee?" Itinaas ni Charlotte ang kamay niya nung sinabi niya iyon.  Parang bang may waiter at sinabi niya 'yung order niya.

Narinig ko namang may binulong si Jasmine sa akin "Kala mong boss kung makapag-utos. Hipon naman," aniya. Wala akong magagawa kundi sundin na lang iyon kesa maulit na naman ang bangayan nila ni Jasmine baka makipag-away na naman si Jasmine para sa akin.

Tumayo na ako at lumapit sa cubicle ni Charlotte. "Coffee sa starbucks a, " aniya at inabot sa akin ang pera. Lumabas na ako at hindi na liningon si Charlotte pagkaabot niya nun.

Lumabas na ako ng building. Katabi lang naman ng starbucks 'yung building namin kaya maglalakad lang ako ng sandali. Naku talaga! Sandali lang at nakabili naman agad ako. Kapag hindi ako makapagtimpi ibubuhos ko sa kanya 'tong kape. Agad agad akong pumasok sa building nung nakabili ako. Mahirap na baka magkagulo na naman.

Sumakay na agad ako sa elevator at isiniksik ang sarili ko habang nakataas iyong coffee na hawak ko. Medyo puno kasi 'yung elevator. Pero nung magsasara na iyon biglang may isang naka-black suit ang nagpigil dito. Para namang nakita ko na si kuya? Nung sumisilip silip ako nalaman ko kung sino, isa sa mga bodyguard ni Gideon. Napabukas na ang elevator at nagulat kaming lahat ng sinabi nung bodyguard ni Gideon na umalis daw kami kasi sasakay ang CEO. Hala? May ganun? May private elevator naman.

Naririnig kong may nagrereklamo tungkol dun pero nung nandyan na si Gideon napatahimik sila tapos binati pa nila ito. Lalabas na sana ako ng elevator pero pinigilan ako nung bodyguard.

"Stay." Aniya. Teka bakit?

"Pero kuya bawal di ba? Sige aalis na ako—" Hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok na si Gideon. Hindi naman ako nakita nung mga tao kasi nasa gilid lang ako ng elevator. Umalis na rin 'yung mga bodyguard niya.

Dalawa lang kami ni Gideon sa elevator. Sinasayang ang kuryente! Joke! Naku baka mapagalitan ako ni Ms. Charlotte nito baka lumamig ang kape niya.

"Kanino 'yan?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Eto ba? Kay Ms. Charlotte sir!" Kailangang maging magalang sa CEO. Ayokong mawalan ng trabaho.

"Bakit?" Kumunot naman ang noo niya.

"Inutusan niya kas—"

"What?! Inuutusan ka lang niya."

"Hindi naman sa—"

"No! I can fire her. Tell me her name. What department are you?!" Nanuyot ang lalamunan ko sa sinabi niya? Fire? Agad agad? Grabe talaga 'tong si Gideon!

"Naku 'yun ano! eto naman kasi—"

"Anong floor?"

"Eh....wag na kasi—"

"Anong floor Alysson?"

"Huwag—"

Bumuntong hininga siya. "Aly anong floor?" Pinagmasdan na niya ako ng maigi. God!

"Huwag na kasi eto naman kasi trabaho ko! Kala ko pa naman nagkakaintindihan na tayo?!" Tinumbasan ko ang titig niya sa akin.

 "Fine." He sigh defeated.

Pinindot ko na ang 7th floor button tapos pinindot naman ni Gideon ang 13th floor button ng elevator. Umandar na 'yung elevator at tahimik lang ako. Sana hindi magalit si Ms. Charlotte baka kasi malamig na ang kape niya. Ayaw pa naman niya nun.

Maya maya lang bumukas na ang pinto ng elevator. Agad agad akong lumabas para pumunta sa department namin. Pero laking gulat ko ng may marinig akong yabag na sumusunod sa akin.

Napalingon ako at napanganga sa nakita. "Bakit? Di ba? 13th floor ka pa?" Hindi umimik si Gideon at patuloy sa paglalakad papunta sa department namin. Mabuti na nga lang walang tao sa hall way! God! Gideon!

"Gideon! Huwag na!" Hinabol ko na siya dahil nalagpasan na niya ako. Pero hindi niya ako iniimik. Gideon! Urgh!

 "You can't fire her Gideon—I mean sir trabaho ko 'yun—I mean trabahong kung sundin 'yung utos niya. God!" Malalaki ang hakbang niya na halos tumakbo na ako maabutan lang siya.

Malapit na siya sa pinto pero inunahan ko siya. Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin si Ms. Charlotte. "Ba't ang tagal mo? Ano 'yan cold—" Napatigil siya at napanganga dahil sa nakita niya. Nanlalaki pa rin ang mata ni Ms. Charlotte. "Sir Gideon? Ano pong pinunta niyo rito? Ako po ba? May pag-uutos po kayo?" Pinupungay pa niya ang mata habang sinasabi iyon.

Pumasok na ako tapos si Ms. Charlotte nakatayo pa rin dun sa may pinto at hinihintay ang sagot ni Gideon.

"Ms. Charlotte dito ko na lang po ilalagay sa table niyo."

"Excuse me sir," sabi niya at nilingon ako. Pinanlakihan niya ako ng mata tapos she mouthed 'Humanda ka sa akin mamaya' Hala? May ginawa ba akong masama?

Pumasok na rin si Sir Gideon sa loob. Nakatayo pa rin kami at iniintay ang sasabihin niya. Nakakakonsensya kasi ako ang may kasalanan nito kapag nawalan si Ms. Charlotte ng trabaho. Naku huwag naman sana gawin ni Gideon 'yun. I secretly cross my finger.

"Mr. Reyes." sabi ni Gideon. Omg! Si Renz 'yun.

"Yes, sir." aniya ni Renz.

"I need the files on time Mr. Reyes but you submit it in an hour late. You also handover it to someone just to make sure that you won't lose the job. I think you should really clear the things you work on in this company or I fire you. " Maawtoridad na sabi ni Gideon. Napalunok ako sa seryoso ng pagkakasabi niya. Pati ba naman siya? Si Renz?

"Sir..." Renz trailed off.

Kailangan ko nang magsalita. "Sir!" Tinaas ko ang kamay ko. "Nagvolunteer po ako na ako na magbigay sa'yo nung files." Hindi niya ako pinansin. Urgh! Gideon naman!

"Huwag ka nang sumagot baka mawalan ka ng trabaho teh?" bulong ni Jasmine.

"And you Ms. Aquino?" Napapikit na ako. Nagdadasal na mali ang iniisip ko at pinapanalangin na hindi mawalan ng trabaho si Charlotte o si Renz man.

"Yes sir," napakagat ng labi si Charlotte. Iniayos pa niya ang sarili at pinungay pungay ulit ang mga mata.

"I think you will lose your job if you keep demanding and ordering all your needs to someone." Napalaki ng mga mata si Charlotte at napanganga ng wagas sa narinig. Agad niya akong hinanap sa tingin at halos mamatay na ako sa takot sa tingin na binibigay niya sa akin. Sorry na!

Umiwas ako ng tingin at natagpuan naman ng mga mata ko ang likod ni Gideon. Napatalon ako ng muli siyang magsalita.  "Now I see, kung anong problema ng department na 'to. Ms. Rodriguez, I need you. Follow me." Aniya at naglakad palabas.

 "Ako lang naman Rodrguez dito? Di ba?"

"Oo sumunod ka na dali." Pinagtutulakan naman ako ni Belle palabas. Ako nga!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon