#OopsMyMistakeYoureDead

389 24 13
                                    

Naririndi na si Chi sa ingay ng wang-wang nga mga pulis. Pangalawang beses na niya itong naririnig sa araw na 'yon, at sa tingin niya'y hindi pa nagtatapos dito ang lahat. Kasalukuyan siyang nasa living room ng mansyon ni Sek, kasama sina Sek, Nixie, at Shy. Kasama nila sa silid ang isang babaeng detective na nagngangalang Shuepa Cabra. May katabaan ito, maitim, at matataba ang pisngi sa mukha. Halos pumutok na ang damit nito sa sobrang fit sa kanyang katawan.

Halatang wala sa sarili si Sek habang sinusubukan siyang bigyan ng comfort ni Shy. Si Nixie naman ay tulala, nakatingin lamang sa kawalan. Ako na lang ba ang matinong tao ngayon dito? Tanong niya sa sarili.

"So puwede niyong iulit muli ang ginawang pag-atake ng Grim Reaper?" tanong ni Detective Shuepa.

"What the hell, Detective? Panglimang beses na namin sa 'yo naikuwento ang nangyari! Are you deaf or something?" naiinis nang sagot ni Sek.

"I'm sorry, Ma'am. Sadyang mabilis lang kayong mag-kuwento. We need all the details," wika naman ng detective.

Inirapan siya ni Sek. Inulit niya muli ang nangyari sa kanila. Binagalan na niya ang pagkukuwento. Natigil siya kada salita para maintindihan ng slow na detective ang bawat detalye sa ginawang pag-atake ng Grim Reaper. Nagsimula itong magsulat sa Starbucks planner na kanyang dala.

"Puwede niyo bang i-describe ang mukha ng Grim Reaper?" tanong ng detective.

Nanlaki ang mga mata ni Chi. Ganito na ba katanga ang mga pulis ngayon? Bulong ng kanyang isipan. Umubo siya para matuon ang atensyon sa kanya ng detective. "Paano po namin makikita ang mukha ng Grim Reaper kung naka-maskara siya? Like, duh!"

Tumango ang detective na parang sumasang-ayon siya. "May point ka." Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. "Thank you for your cooperation, girls. We will make sure na mahahanap namin ang killer sa lalong madaling panahon."

"Baka mauna pa namin siyang mahanap bago niyo pa siya makita. Ganyan naman kayo ka-late lagi, eh. Filipino time lang?" komento ni Nixie na hanggang ngayon ay monotonous pa rin ang tono ng kanyang boses.

Hindi na sumagot si Detective Shuepa pero halatang na-insulto ito sa sinabi ni Nixie. Imbes na magsalita ay naglakad na lang ito palabas ng living room at iniwan na lamang sila mag-isa sa silid na 'yon. Sinundan siya ng tingin ni Chi hanggang sa mawala na siya sa kanilang mga paningin. Nang magsara ang pinto ng silid, nakahinga na nang maluwag si Chi.

Humarap siya kay Sek na katabi niya sa malaking couch na kanilang inuupuan. "I'm so sorry, Sek. You must be very terrified," aniya.

Napakunot ng noo sa kanya si Sek. "Really, Chi? Alangan namang matuwa ako no'ng balak kaming patayin ng Grim Reaper!"

"Kalma lang, Sek. Baka ma-highblood ka na naman. Nakailang sabi na sa 'yo ang doktor mo na huwag kang magagalit lagi," wika ni Shy.

Huminga ng ilang beses si Sek. Pinapakalma niya marahil ang kanyang sarili matapos ang nakakasindak na pangyayaring 'yon. Muli siyang dumilat at tumingin sa kanyang mga kasama. "Girls, thank you so much for being here. Sorry kung lagi akong bitch sa inyo. I can't help me. I'm just being me," aniya.

"Kilala ka namin, Sek. Hindi kami magagalit sa 'yo," sabi ni Nixie.

Pilit na ngumiti si Sek. "Comforting sana ang sinabi mo kung hindi lang monotonous ang boses mo, Nixie," wika niya. Tumayo siya at humarap sa mga kasama na nakaupo sa couch. "Anyways, since the attack, worried na ako para sa safety natin. Kailangan natin ng fight-back plan. Kung hindi, papatayin tayo isa-isa ng Grim Reaper!"

"Kailangan nating makahanap ng paraan para ma-expose 'tong Grim Reaper na 'to!" bulyaw ni Chi. "I say we find his evil lair. Lahat ng killers, mayro'n, 'di ba?"

Hashtag MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon