#HelloImEthan

154 10 6
                                    


Nakatulala lamang si Ethan sa kalangitan. Tila ba may hinihintay siya ngunit mukhang hindi naman ito darating. Makulimlim ang kanina'y kulay asul na langit, nagbabadya ng ulan. Napakamot siya sa kaniyang puwet nang tumingin siya sa sahig malapit sa puno ng mangga malapit sa kanilang bahay. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ethan.

"Ethan? Nasaan ka?" narinig niyang tawag ng nakatatandang kapatid na si Dina.

Lumingon si Ethan at nakita niya si Dina na papalapit. Punong-puno ng tigyawat ang mukha nito at may masuot na malaki at makapal na salamin. Napangiwi si Ethan nang makita ang kaniyang kapatid. "Kahit kailan talaga, ang pangit mo," bulong niya sa sarili.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Ethan? Mukhang uulan na. Pumasok na tayo sa loob," wika ng kaniyang kapatid ngunit hindi siya pinansin ni Ethan.

Nakatitig lamang siya sa kaniyang likha.

"Ethan? Ano'ng—" Narinig na lang niya ang singhap mula sa kaniyang Ate.

"Ang ganda, 'di ba, Ate?" tanong ni Ethan.

"Ethan?! Ano'ng ginawa mo?" bulyaw ng kaniyang Ate.

"Hindi ka ba nagagandahan, Ate? At least, ito magaganda. Ikaw, hindi," sagot ni Ethan habang patuloy na nakatingin sa kaniyang nilikha. Hindi niya mapigilan ang tuwa na namumuo sa kaniyang dibdib.

"Pinatay mo sila, Ethan! Ano'ng maganda riyan?"

Napakunot ng noo si Ethan. Nasa kaniyang harapan, nakalagak sa damuhan, ay tatlong bibe na binili ng kanilang mga magulang para kay Ethan. Walang buhay ang mga ito at nakaikot ang mga ulo nito sa posisyon na imposibleng gawin ng isang buhay na bibe.

"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit nang binale ang leeg, patay sila. Hindi sila makaiyak ng 'kwak, kwak, kwak.'" Pakantang sabi ni Ethan.

"ETHAN!"

Hindi na nagawang tumingin ni Ethan sa kapatid. Nagsimula na siyang sumayaw paikot sa mga patay na bibe na animo'y isang manok na pumapaikot sa isang kalaban. Walang ano-ano'y may humila sa kaniya, at tumambad sa kaniya si Dina, hawak-hawak siya sa parehong braso at nakatingin ng masama kay Ethan.

May halong pag-aalala ang mukha nito.

"Ethan, itigil mo na 'to. Huwag mo na 'tong uulitan pa, okay?" wika nito.

Napakunot ng noo si Ethan. Hindi niya maintindihan ang kapatid. "Bakit, Ate?"

"Kapag ipinagpatuloy mo 'to, mas lalong magagalit sina Mama't Papa. Gusto mo ba 'yon?" tanong ni Dina.

Umiling si Ethan bilang sagot. "Ayaw ko."

Tumango si Dina. "Sige, pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala rito."

Nakaramdam ng lungkot si Ethan. Gusto niya pang makipaglaro sa mga patay na bibe ngunit mas minabuti na lang niyang sundin ang nakatatandang kapatid. Lumayo siya rito at tumungo sa maikling hagdan paakyat ng kanilang malaki at mala-mansyong bahay. Bago pa man siya makatapak sa tuktok ng hagdan ay napalingon siya.

Nakatingin sa kaniya si Dina. Walang ekspresyon sa mukha nito.

Ngumiti na lang si Ethan bago nagpatuloy maglakad patungo sa kanilang bahay.

Sariwa pa ang alaala na 'yon para kay Ethan. Sampung taon ang nakalilipas ngunit tila ba walang nagbago. Ang taong nakaharap sa salamin sa kasalukuyan ay parehong tao rin ilang taon na ang nagdaan. Ngunit lumaki na ito at marami pang nangyari sa kaniyang buhay.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now