#Prologue

1.8K 69 57
                                    


NOTE: This is a horror-comedy story. Don't take this seriously. Enjoy reading! ;)

WARNING: THIS IS A RAW/UNEDITED VERSION. EXPECT TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AS YOU READ THIS STORY.  

----------


"Nang ika'y ibigin ko

Mundo ko'y biglang nagbago

Akala ko ika'y langit

'Yun pala'y sakit ng ulo."

Nagising na lang ang isang binata dahil sa ingay dulot ng kanyang ringtone. Habang nakadapa ang puwesto sa kama ay hinablot niya ang cellphone. Itinigil niya ang paborito niyang panggising sa umaga, ang kanta na "Pusong Bato." Pagkatapos gawin 'yon ay buong lakas niyang inihagis ang cellphone sa kalapit na pader, bunga upang masira 'yon.

Nagbuntong-hininga ang binata habang tinitingnan ang nagkapira-piraso niyang gadget. "Bibili na lang uli ako bukas," bulong niya.

Hinawi niya ang kumot na nakabalot sa kanya at tumayo mula sa hinihigaan. Humikab siya't iniunat ang katawan. Bumangon siya't dumiretso sa banyo na katabi lamang ng kanyang kama. Napatigil siya nang makita ang pinto nito na nakabukas at nabukas ang ilaw sa loob.

Nagkibit-balikat na lang siya't dumiretso pa rin sa loob. Humarap siya sa sink at pinagmasdan ang sarili. Kumakapal na naman ang facial hair niya. Ang kanyang eyebags ay maladambuhala na sa laki. "Mukha na akong si King Kong," komento niya sa sarili.

Binuksan niya ang gripo ng sink at nagsimulang maghilamos. Bigla na lang ay nakarinig siya ng ingay mula sa bathtub. Tila may gumalaw ng kurtina na nagtatakip dito. Nang tumingin siya, may naaaninag siya sa likod ng malabong plastic curtain.

Nakaramdam siya ng kaba. Kinuha niya ang spray can ng shaving cream at iniangat bilang panlaban. Unti-unti siyang lumapit sa bathtub para makita kung ano ang naroroon. "Sino nandiyan?" tanong niya.

Hahawakan na sana niya ang kurtina para hawiin ngunit isang pamilyar na tugtugin ang kanyang narinig. Napalingon siya sa pinto ng banyo nang mapagtanto niya kung ano 'yon. Dessert ni Dawin. Tumatawag na ang kanyang kasintahan.

Agaran niyang ibinalik ang spray can sa sink at lumabas ng banyo. Nilapitan niya ang nightstand sa tabi ng kanyang kama. Binuksan niya ang drawer at saka kinuha ang isa pa niyang cellphone. Isang nagngangalang Sek Bhebhe Ko ang tumatawag sa kanya.

Imbes na sagutin ng binata ang kanta ay pinakinggan niya muna ang kanta. Umabot sa punto na sinabayan niya pa 'to. "Whatcha gon. Whatcha gon do with that dessert?" Sinabayan pa ito ng sayaw ng binata. Nagsimula itong mag-cramping sa buong silid hanggang sa mag-split ito sa tabi ng kama. Saka niya sinagot ang tawag.

"Hello," bati niya.

"Honey, bakit ang tagal mong sagutin ang call ko? It's like two minutes na," sagot ng babae mula sa kabilang linya. "Pangalawang number mo na 'tong tinatawagan ko."

"Sorry, Sek, Baby. Nasira 'yong isa kong phone. Samantalang ito naman, oh well... natuwa ako sa ringtone ko. Hindi ko mapigilang sumayaw," sabi ng lalaki.

"'Yong Dessert na naman ba, Ken?" tanong ni Sek. "Kailan ka ba titigil sa kaadikan mo sa AlDub, Honey? Halos buong buhay mo, AlDub na ang bukang-bibig mo."

Napakunot ng noo si Ken. "Uhm, kapag siguro natapos na ang Kalyeserye?"

"Whatever," wika ng kanyang kasintahan. "Anyways, pupunta ako riyan sa bahay mo. May dala akong dessert."

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now