#GothSlashMurderer

280 20 5
                                    

Bumangon si Nixie mula sa pagkakahiga. Hindi siya makatulog. Nanlalalim na ang kanyang mga mata pero hindi pa rin ito sumusuko. Pinagmasdan niya ang sleeping bag na kanyang hinihigaan saka tumungo ang tingin sa kanyang katabi. Naroroon si Chi, nakahiga sa sarili niyang sleeping bag at nakatulala sa kisame.

Inilabas ni Nixie ang katawan mula sa sleeping bag at umupo sa kalapit na couch. Nakahanap siya ng lighter sa tabi ng coffee table para sindihan ang mga kandila sa maliit na mesang 'yon. Bahagyang nagliwanag ang buong living room pero hindi pa rin nagalaw si Chi.

"Patay ka na rin ba katulad ni Dina sa kusina?" tanong ng dalaga.

Mabilis na bumangon sa Chi, sa gulat ni Nixie. "I can't stand this!" bulyaw niya. "Sino'ng may gustong matulog sa living room kung sa kabilang kuwarto—sa kusina—ay may patay na tao?!"

Napakibit ng balikat si Nixie. "Si Shy, tulog na," aniya, sabay turo sa tulog nang kasambahay ni Sek na kanilang katabi.

Pinagmasdan ni Chi ang babaeng kanilang pinag-uusapan. Mahimbing na mahimbing itong natutulog sa kabilang couch. Nahilik pa ang naturang dalaga. Muli siyang humarap kay Nixie. "Sanay na raw siyang makakita ng mga magnanakaw na namamatay sa mansyong 'to dahil hindi nila mahanap ang daan palabas," aniya. "No big deal na raw kung naririto sa mansyon ni Sek ang bangkay ni Dina."

"This is so f-ed up!" Nais na ilabas ni Nixie ang emosyon na nais niyang iparamdam sa kasama ngunit hindi niya ito magawa dahil sa kanyang boses. "What are we going to do? We need to do something para mai-dispose ang katawan ni Dina!"

"That's what she's doing right now," ani Chi. Lumabas siya mula sa loob ng sleeping bag at tumayo.

Napakunot ng noo si Nixie nang makita niya ang sunod ng kanyang kasama. Nakasuot ng dress ito at naka-heels pa. Itinuro ni Nixie ang kasuotan nito habang nanlalaki ang mga mata. "Uhm, ganyan ang suot mo kapag natutulog ka?" tanong niya.

Umikot-ikot pa si Chi para ipakita kay Nixie ang kabuuan ng kanyang 'pantulog.' "One thing na itinuro sa atin ni Sek, you should have a fashion sense even when you're sleeping. So I decided to wear heels even when I'm sleeping," paliwanag niya.

"Yeah, that's totally cool," ani Nixie.

"O siya, I need to pee. Ciao!" nagsimulang tumakbo si Chi palabas ng living room. Nagtataka si Nixie kung papaano ito nagagawa ni Chi na tumakbo nang ubod nang bilis kahit na halos namamaga na ang mga paa nito dahil sa taas ng suot niyang heels.

Naisipan na lang ni Nixie na umalis ng silid at puntahan si Sek sa kanyang kuwarto. Imbes pumanhik gamit ang mahabang hagdanan ay ginamit niya ang isang sikretong elevator sa tabi ng malaking bookshelf sa may salas na si Sek, Nixie, at Chi lamang ang nakakagamit.

Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay agaran siyang tumungo sa silid ni Sek. Kulay ginto ang pinto nito at iba sa mga pinto sa palapag na 'yon kaya mabilis na mahahanap ni Nixie kahit na gaano pa kalaki ang mansyon ng kanilang lider.

Kakatakot na sana siya nang nakarinig siya ng sigaw mula sa loob. Nag-panic si Nixie at walang galang na pumasok sa loob. Napagitla siya nang makita ito na tumitili habang nakatuon ang mga mata sa laptop. Nakadapa siya't nakatingin dito.

"May problema ba, Sek? Narinig ko ang sigaw mo," wika ni Nixie.

"Shh! Huwag kang maingay. Nanonood ako!" bulyaw ni Sek. Mayamaya'y tumili na naman ito na parang nakakita ng patay sa screen ng kanyang laptop.

"Ano'ng pinapanood mo?" Tiningnan ni Nixie ang relos niyang tadtad ng diyamante. Nanlaki ang kanyang mga makita nang makita na alas kuwatro na ng umaga. "Sek, hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa dalaga.

Hashtag MurderOnde histórias criam vida. Descubra agora