#DontMessWithABitch

131 10 4
                                    

Bali-balita sa campus ang nangyaring pag-atake ng Grim Reaper kay Sek. Tila apoy na kumalat ito na agad namang nalaman ni Collie. Paano ba naman, sa canteen, ito ang usapan ng karamihan at hindi maiwasan ni Collie na marinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.

Gayunpaman, mas pinili na lang ni Collie na manahimik na lang at patuloy na kumain ng paborito niyang ulam: adobo. Habang kumakain mag-isa sa kaniyang mesa, isang presensiya ang naramdaman niya sa kaniyang tabi. May kung ano na pakiramdam niya'y nakatitig sa kaniya.

Napalunok nang mariin si Collie. Unti-unti siyang tumingin sa kaniyang kaliwa. Halos mapatalon ang kaniyang puso nang makita na si Rim pala 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Collie sa mahabang buhok nito, maputlang mukha, at makapal na eyeliner sa mata nito.

Nakahinga nang maluwag si Collie. "Diyos ko, akala ko kung sino na," wika niya.

Isang ngiti ang ipinamalas ni Rim. "May hinihintay ka?"

Ngumiti pabalik si Collie kahit lamang pilit ito. "Kumakain lang ako. Bakit ka naririto? Last time na narito ka, alam mo naman ang ginawa sa 'yo ni ViVi," wika ni Collie. Nang banggitin niya ang pangalan ng babaeng 'yon, hindi napigilan ni Collie na maramdam ng kilabot sa katawan.

"Well, wala na siya... literally, so sa tingin ko, hindi ko na kailangang problemahin 'yon," ani Rim.

Pansin ni Collie ang ngiti sa mga labi nito. Para bang nagwagi siya. Isang ngiti ng pagkapanalo. At hindi mapigilang kabahan si Collie. Napapaisip siya kung may kinalaman ba si Rim sa pagpatay kay ViVi—kung siya ba ang Grim Reaper. Marahil ay totoo ang hinala at bintang ni Sek na ang lalaking katabi niya ang pumapatay sa mga mag-aaral sa campus.

"Bakit naman ang saya mo?" tanong ni Collie.

Napakibit ng balikat si Rim. "Wala naman. Masaya kasi nabawasan ang mga katulad niya sa campus na 'to? I mean, come on. Napagka-cliché na may mean girl dito. Kung istorya lang sa isang nobela itong kuwento natin, sa tingin ko'y isang hamak na baliw ang author nito."

Umiling na lang si Collie at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Sayang naman kung hindi niya mauubos ang paborito niyang adobo. Habang patuloy siya sa pagnguya, isang tray ang lumapag sa kaniyang harapan. Tiningnan niya ang pares ng kamay na may hawak nito.

Si Lance.

At kamuntikan na namang mapautot si Collie.

"Hi, Collie," nakangiting sabi ng lalaki.

Napalunok nang mariin si Collie. Pakiramdam niya'y nalunok niya ang isang buong buto ng hita ng manok na kanina niya pa nginunguya. "Hi, Lance," sambit niya.

Nagawi ang mga mata ni Lance kay Rim na katabi ni Collie at ngumisi. "Naunahan mo pa ako, bro," anito, saka umupo.

Hindi na sumagot pa si Rim. Nanatili lamang siya sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang isang malaking headset mula sa kaniyang bag. Isinuot niya ito at ikinabit sa dalang phone. Saka ito nagpatugtog ng ubod nang lakas na kanta. Sa tingin ni Collie ay kanta ng My Chemical Romance ang pinapakinggan nito.

Bumalik ang tingin niya kay Lance. Nang mapansin niya na nakatitig ito nang mariin sa kaniya, napalunok nang mariin si Collie dahil sa kaba. Naiinis siya sa sarili na ganito ang nararamdaman niya. Mapipigilan ko ba ang sarili ko, eh, ang guwapo niyo, wika niya sa isipan. Sa loob-loob niya'y kilig na kilig siya.

"Wanna go out tonight?" tanong ni Lance.

Nanlaki ang mga mata ni Collie. "W-what? Inaanyaya mo ba akong makipag-date?" tanong niya.

Tumango si Lance. "Bakit? Akala mo ba'y nagjo-joke ako?"

"Oo," matapat na sagot ni Collie.

Napasapo sa dibdib—sa bahagi kung nasaan ang puso—si Lance na animo'y nasaktan. "Ouch! Grabe ka. You just broke my heart," wika ni Lance.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now