#IKnowWhatYouDidLastSummer

192 12 9
                                    

Dali-daling tumakbo si Sek papunta sa harap ng bahay ni Chi. Nagkalat ang mga pulis sa paligid ng bahay. Ang iba'y pinipigilan siyang makapasok pero walang makakapigil sa kanya. Kailangan niyang makita ang kanyang mga kaibigan.

Tumambad sa kaniya sina Nixie at Chi na nakikipag-usap sa matabang pulis na si Detective Shuepa Cabra. Ngayon lang niya uli ito nakita simula nang atakihin sila ni Shy sa kanyang mansyon noon. Busy ito na nagsusulat sa maliit na notebook na hawak nito habang kausap ang dalawang kaibiga ni Sek. Hindi nito napansin ang kanyang pagdating.

"Nixie! Chi!" tawag niya sa mga kaibigan.

Inaasahan niya ang ngiti sa mga ito ngunit kabaligtaran ang kanyang nasaksihan. Nakasimangot ang mga ito at magkasalubong ang kanilang mga kilay. Mukhang galit ang mga ito. Gayunpaman, lumapit pa rin siya sa mga ito.

Akmang yayakapin na niya si Nixie nang bigla siyang sampalin nito. Napasinghap na lang si Sek at hinawakan ang pisngi nadampian ng palad ng kaibigan.

"Why did you do that?" tanong niya.

"You murderer!" pagduduro ni Nixie. Halos maging isa na lang ang kanyang mga kilay dahil sa matinding galit.

Napanganga si Sek. "Are you accusing me of something?" tanong niya.

"Huwag ka nang magkaila, Sek. Alam naming ikaw ang Grim Reaper!" saad ni Chi. "Alam namin na ikaw ang nagtangkang pumatay sa amin kanina! Ikaw lang naman at si Nixie ang may alam ng pasikot-sikot sa bahay namin!"

Kung may ilalaki pa ang bunganga ni Sek, nagawa na niya sanang lamunin ang dalawa niyang kaibigan. "Are you both out of your minds?" Hinding hindi ko pagtatangkaan ang mga buhay niyo! Ano naman ang mapapala ko kung papatayin ko kayo?!"

Humakbang si Chi. Ang mukha niya'y halos maging kamatis na dahil sa pamumula. "You know about me and Ken. You want to ruin me because of it. You killed him because he loves me more than he loves you!"

Nanlaki lalo ang mga mata ni Sek, gayon na rin ang butas niya sa ilong. Hindi niya alam ang tungkol dito. "Ano'ng pinagsasabi mo, Chi? What about you and Ken? Ano'ng mayro'n sa inyo?!"

Laking gulat niya nang sampalin siya ni Chi sa kabilang pisngi. Hindi na makapagpigil pa si Sek. Sinampal niya rin ang kaibigan sa pisngi. Sa sobrang lakas ay halos mawalan ng balanse ang babae dahil sa ginawa niya.

"Si Ken-Honey lang ang may karapatang sumampal sa akin sa kahit anong parte ng katawan ko!" bulyaw niya.

Nasaksihan niya ang panlalaki ng mga mata ni Chi. "Are you into that? Are you and Ken into that thing?" tanong niya.

"Wala ka nang pakialam doon!"

Muli ay sinampal siya ni Chi. Agad na gumanti si Sek at sinampal muli ang kaibigan. Ngunit hindi ito nagpatalo at sinampal muli ang babae. Nagpalitan sila ng sampal hanggang sa mamanhid ang mukha ni Sek. Nagmukha namang lamog na kamatis ang mukha ni Chi.

"Mahal ko si Ken! Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya, Grim Reaper!" bulyaw ni Chi, saka siya uli sinampal.

Napagtanto na ni Sek ang ipinupunto ni Chi. Mas lalong napaigting ang galit na kanyang nararamdaman. "Sulutera! Mang-aagaw! Kabit!" sigaw niya bago uli sampalin si Chi.

Nagpalitan uli sila ng sampalan hanggang sa may babaeng humarang sa kanilang dalawa. Napagtanto niya si Nixie iyon. "Itigil niyo na 'yan! Puro na lang kayo sampalan! Kung gusto niyo, magsaksakan na lang kayo!"

Agad sinampal ni Chi si Nixie. Nagulat ito sa kanyang ginawa. "Tama lang sa 'yo, 'yan! Isa ka pa! Alam kong pinagtatakpan mo sina Chi at Ken sa kabulastugang ginagawa nila!"

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now