#Epilogue

225 11 4
                                    

"Isang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nakikita si Sek Thalandan. Isang malaking misteryo ang pagkawala nito sa Baguio matapos ang isang retreat. Maraming haka-haka ang kumalat patungkol sa kaniyang pagkawala. May ibang nagsasabi na nagtago ito, at may iba namang nagsasabi na maaaring pinatay ang dalaga. Alin kaya rito ang totoo? Tiyak na malalaman natin sa susunod na kabanata ng misteryo, dito lamang sa Pa Uso Blog, ang satire noon, news ngayon!"

Agad na pinatay ni Collie ang telebisyon at pinagmasdan na lang ang sariling repleksyon sa screen nito. Napabuntong-hininga na lang siya at saka kinuha ang isang mug ng kape sa coffee table. Pagkatapos uminom ay napansin niyang na-vibrate ang kaniyang cellphone.

May tumatawag sa kaniya, at galing ito sa isang di-kilalang numero.

Agad na sinagot ni Collie ang tawag. "Hello?" wika niya.

Bagkus na sumagot ay malalalim na paghinga lang ang kaniyang naririnig na animo'y hinahabol nito ang kaniyang hininga. Nagsimulang makaramdam ng kaba si Collie.

"Sino' to?" tanong niya.

Ngunit hindi pa rin sumagot ang nasa kabilang linya. Patuloy pa rin ito sa paghinga. Unti-unti ay nanumbalik kay Collie ang mga alaala ng nakaraan, ang mga panahon na kung saan isa-isa sa mga kilala niya ang pinatay ng Grim Reaper.

Isang taon na ang nakalilipas pero hindi pa ring magawang makalimot ni Collie.

"Kung sino ka man, kung nananakot ka, nice try," sagot ni Collie. Agad niyang pinutol ang tawag at saka ibinalibag pabalik sa coffee table ang hawak na cellphone. "Baka prank caller lang," pilit niyang sinasabi sa sarili.

"Sino ang kinakausap mo?" narinig niyang tanong mula sa kaniyang likuran.

Lumingon siya at sa paanan ng hagdanan ay naroroon si Hannah, hawak-hawak ang paborito niyang teddy bear.

"Sarili ko lang. Nababaliw na ako," tugon ni Collie. "Nakakatamad lang dahil wala tayong ginagawa ngayong sembreak. Hindi naman ako makauwi sa amin."

"Bakit naman? Hindi ka ba nakakaramdam ng boredom dito sa apartment?" tanong ni Hannah saka tumabi sa kaniya.

Tumango si Collie bilang sagot. "Bored na bored. Halos masira ko na ang inidoro dahil bored ako. Alam mo naman ang nangyayari lately kapag hindi occupied ang pag-iisip ko," aniya.

Napahawak si Hannah sa kaniyang tiyan at napangiwi. "Oo nga. Noong nangyari 'yon, akala ko nagluluto ka ng shabu dahil sa kakaibang amoy."

Pilit na ngumiti si Collie. Simula nang mag-apartment silang dalawa—kahit hindi naman sila gaanong magkasundo—ay laging si Collie na lang ang nagsasaayos ng bagay para hindi magkaroon ng alitan sa kanilang dalawa. Okay na si Collie rito. Matapos ang ginawang pagpatay ng Grim Reaper, saka lang nakaramdam ng kapayapaan si Collie, lalo na't wala na si Sek.

Si Sek, ang babaeng nagpasimula ng kanilang kalbaryo isang taon na ang nakalilipas.

Tila ba naramdaman ni Hannah na may kakaiba sa pananahimik nito dahil bigla na lang itong nagtanong, "Nagtataka ka pa rin ba ngayon kung bakit siya nawala?"

Tumango si Collie bilang sagot. "Stubborn na babae si Sek. Hindi niya gagawin ang pagtatago. Ever."

"Sa tingin mo..." Natigilan si Hannah. Napansin ni Collie an lumunok ito nang madiin. "...pinatay siya?"

"Sino naman ang gagawa sa kaniya niyon? Sa mismong Baguio pa?" tanong ni Collie. Napakunot ang kaniyang noo habang iniisip ang mga posibilidad.

Nagkibit-balikat na lang si Hannah. "Maraming may galit sa kaniya. Paniguradong kung pinatay siya, isa sa mga tao sa retreat ang gumawa n'on."

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now