#ItsNotEasyBeingPretty

136 7 2
                                    

Isang ngiti ang ipinakita ni Chi habang pinagmamasdan ang kawawang situwasyon ni Sek. Madilim ang silid kung saan nakalagak ang kaniyang dating kaibigan at nakatayo lamang si Chi sa isang sulok, hawak-hawak ang isang kuwintas na kanina niya pa pinagmamasdan.

Huminga nang malalim si Chi at dahan-dahang lumapit sa higaan ni Sek. Naririnig niya ang makinang sumusuporta kay Sek at sa puntong 'yon, nais niya itong patayin. Gusto niya ng katahimikan kahit na sa oras lang na 'yon.

"I always envy you, Sek. You have everything. Kaya mong makuha ang mga gusto mo," bulong niya. "Kaya mo nakuha si Ken. Nauna ako sa 'yo pero nakuha mo pa rin siya. Walanghiya ka."

Napabuntong-hininga si Chi. Inilagay niya sa leeg ng natutulog na si Sek ang kuwintas na kaniyang hawak. Namalagi lamang ang mga kamay ni Chi sa kuwintas kahit na nailagay na niya ito sa leeg ng dating kaibigan.

"Maganda ka kasi. Sobrang ganda. Lahat ng lalaki, handang gawin ang lahat para sa 'yo. Nakakainggit ka talagang bruha ka. Akalain mo, sa isang taon, limampu na ang naging ex mo. Natalo mo pa si Taylor Swift sa beauty mo, girl," ani Chi. Naglapit ang kaniyang mga kilay. Nakaramdam siya ng matinding galit. Humihigpit ang hawak niya sa kuwintas. "Nang dumating si Ken, saka ka nagseryoso. Naging loyal siya sa 'yo, pero may hangganan 'yon, dahil na-in love siya sa akin. Sorry ka."

Akmang hihilain na ni Chi ang kuwintas nang biglang nagbukas ang ilaw. Binitawan ni Chi ang palamuti sa leeg ni Sek at umatras. Tumingin siya sa pinto at nakita niya si Detective Shuepa Cabra na kasama si Nixie.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Chi?" tanong ng kaniyang kaibigan.

"Binibisita si Sek. Masama ba?" tanong ni Chi.

"Nagpalagay ako ng pulis sa pinto, ha. Nasaan sila?" tanong ng matabang pulis.

Nagkibit ng balikat si Chi. "Bibili lang daw ng Dunkin' Donuts. Who knows, baka nandidila sila ng donuts ngayon at sasabihin nila, 'I hate Philippines.'"

Napangiwi si Detective Shuepa. "Kahit kailan talaga, napagka-incompetent ng mga mokong na 'yon. Basta pagkain, walang makapipigil sa kanila," komento niya.

"Ano pala'ng kailangan niyo? Tulog si Sek ngayon," ani Chi. Pinagmasdan niya ang maladiyosa niyang kaibigan. Mukhang busy pa ito sa beauty rest niya.

"Hindi pa rin siya nagigising? Tatanungin ko pa naman siya about sa engkuwentro niya sa Grim Reaper," wika ng detective. "It turns out, dinala niya si Sek sa lair niya. Ang dami naming na-recover sa lugar na 'yon."

"Nakuha ang murder weapon na ginamit sa pagpatay kay Ken. May trace pa ng dugo nito. Mukhang hindi marunong maglinis ang Grim Reaper, katulad na lang ng mga hugasin niya sa kusina. Yuck!" ani Nixie. Isang ekspresyon na parang nasusuka ang kaniyang ipinakita.

"May clue na ba kayo sa kung sino ang Grim Reaper?" tanong ni Chi. Curious talaga siya sa pagkakakilanlan nitong halimaw na gustong pumatay sa kanila.

"Inaalam na ng Crime Lab. Nasa kanila ang mga ebidensya na nakalap namin. Sooner or later, may makikita rin kaming makapagtuturo sa identity ng Grim Reaper," sagot ni Detective Shuepa.

"Kailangan niyo nang magmadali," galit na sabi ni Nixie sa detective, kahit hindi halata sa kaniyang boses. "Kamuntikan niya nang mapatay ang bestfriend ko. Who knows kung ano pa ang magagawa niya."

Nang marinig ni Chi ang salitang 'yon, tila ba nagpintig ang kaniyang tainga. "Nixie, did I hear the word 'bestfriend'?" Natawa si Chi habang tinititigan ang kaniyang kaibigan. "Really? Balik na kayo agad sa pagiging bestfriend? Matapos nang lahat ng ginawa niya sa atin?"

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now