#BeautifulDirtyRich

114 9 2
                                    

Hindi makapaniwala si Kent na ilang linggo na ang nakalilipas nang paslangin ng Grim Reaper ang kaniyang kapatid at kakambal na si Ken. Inaayos niya ang tuxedo na kaniyang suot habang nakaharap sa sa isang malaking salamin.

Nakaramdam ng sakit sa balikat si Kent at minasahe niya itopara maibsan ang sakit na nararamdaman. Pagkatapos ay inayos niya ang pagkakalagay ng bowtie sa kaniyang leeg at ngumiti. Tunay ngang kambal sila ni Ken ngunit wala silang pagkakapareho maliban na lang sa kulay ng kanilang mga mata—siyang hazel brown. Mas matangkad at mas matikas ang pangangatawan ni Kent kaysa kay Ken. At habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, hindi mapigilan ni Kent na hangaan ang sarili.

"Mas higit ka pa kay Ken," wika niya sa sarili.

Isang ingay ang bigla niyang narinig, nagmumula sa mga mannequin na nasa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata ni Kent na makita niya ang isang pamilyar na mukha sa pagitan ng dalawang lalaking mannequin. Mukha ng isang bungo, ang maskara ng Grim Reaper.

Lumingon si Kent, handa nang depensahan ang sarili. Ngunit walang tao sa loob ng silid na 'yon maliban sa kaniya. Wala siyang nakitang palatandaan ng maskara ng Grim Reaper sa likod ng mga mannequin.

Lumapit siya sa mga ito, ang mga mata ng mga mannequin ay tila nakatingin sa kaniya. Nagsitayuan ang balahibo sa kaniyang braso.

Nang natuon ang kaniyang atensyon sa pinto ng silid, nasaksihan niya ang dahan-dahang pagsara nito. May kung sino na lumabas mula sa silid na 'yon. Batid niyang hindi siya nag-iisa; may kasama siya.

Muling tiningnan ni Kent ang sarili sa salamin at doon niya nakita ang emosyong nangingibabaw sa kaniyang mga mata—galit at takot.

Dali-dali siyang lumabas ng silid. Natigilan siya nang isang pamilyar na tao ang nakita niyang nakaharang sa kaniyang dinadaanan. Napasingkit ng mga mata si Kent. "Ano'ng kailangan mo?" tanong niya.

Nagpameywang si Chi, nakangisi habang nakataas ang isang kilay. "Marami tayong kailangang pag-usapan, Kent," aniya.

*****

Hindi pa rin makapaniwala si Sek na hahantong sa ganoon ang magiging kuwento nila ni Ken, nakatayo siya sa harap ng mga taong malapit sa puso ng taong pinakamamahal niya at magbibigay ng eulogy para sa yumaong kasintahan.

Hindi mapigilang mapaluha ni Sek. Tatawagan sana niya si Shy para punasan ang kaniyang mga luha ngunit naalala niyang wala na rin pala ang kaniyang yaya—patay na. Pakiramdam niya'y hahagulgol na siya. Lahat na lang ng malapit sa kaniya at iniiwan siya.

Nangingibabaw ang kulay na itim sa chapel kung nasaan ginaganap ang seremonya bago ilibing si Ken. Si Sek lang kakaiba dahil sa kulay fuschia ang suot niyang gown, isang bagay na ipinangako niya kay Ken. Muli ay naalala niya ang tagpong 'yon.

Nakahiga sila sa kama, parehong nakahubad at tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanilang katawan. Napansin ni Sek na nakatitig lamang si Ken sa kaniya, ang mga tingin nito'y sobrang lagkit at ang ngiti nito'y sobrang tamis.

Humagikhik si Sek. "Bakit ka ganiyan kung makatingin sa akin?" tanong niya.

"Ang ganda mo kasi," sagot ni Ken. "I hope we can stay like this forever."

"We can be. Puwede tayong maging Angelina Jolie at Brad Pitt ng Pilipinas kung gugustuhin natin. We're a rich and beautiful couple. Walang panama ang mga artista sa atin," wika niya.

"True, Sek Bhebhe."

"So, what's the problem? Sa tingin mo, parang ayaw mo na akong mawala sa harap mo," ani Sek.

Hashtag Murderحيث تعيش القصص. اكتشف الآن