#ZoomDead

124 8 2
                                    

Nakatuon ang atensyon ni Chi sa kaniyang MacBook habang talak nang talak ang kaniyang mga kaibigan sa harap niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kaniyang kama habang sina Sek at Nixie ay nakatayo sa paanan nito at nag-uusap na tila ba magugunaw na ang mundo.

Binuksan ni Chi ang Skype ang nagsimulang maghintay ng importanteng tao na tatawag sa kaniya at makiki-videochat. Pilit niya munang kinakalimutan ang nasaksihan nila kamakailan lang. Mas importante ang kaniyang pakay sa araw na 'yon.

"We need to report this to Detective Shuepa! Kailangang mahuli si Van!" sigaw ni Sek.

"Kumalma ka lang, Sek! Paano kung nagkataon lang na may sugat siya sa balikat? Huwag muna tayong mag-assume. Masasaktan lang tayo," ani Nixie.

"UGH!" Naglakad patungo sa kalapit na bintana si Sek at sumilip sa labas. "Mapatunayan ko lang talaga na siya ang Grim Reaper, tiyak na tatapusin ko ang buhay niya!"

"Kung siya ang Grim Reaper, ano ang pakay niya para gawin ang mga bagay na 'to?" tanong ni Nixie.

Dahil wala pa rin ang hinihintay ni Chi, tumingin siya sa mga kaibigan. "Scoop. Alam mo naman, may mga journalist na gagawin ang lahat makakuha lang ng magandang balita."

"Kahit na gumawa ng persona na pumapatay ng mga estudyante sa campus? That's absurd!" bulyaw ni Nixie na monotonous pa rin kung magsalita.

"Hindi mo alam ang kayang gawin ng tao para lamang makuha ang gusto niya," ani Sek. "We're like them. We can be heartless as we can be just to fulfill our deepest desires."

Biglang nabalot ng katahimikan ang silid. Walang gustong magsalita. Batid ni Chi na may katotohanan ang mga sinabi ni Sek. Noo'y gusto niyang makuha si Ken para lamang lamangan si Sek, pero nagbago ang lahat ng 'yon. Naka-move on na siya.

"Anyway, may plano ako, guys," biglaang sabi ni Sek nang humarap ito sa kanila.

Napakunot ng noo si Chi. "What?"

"Isasali natin si Hannah Bana sa ating grupo," sagot ni Sek.

"Ano?!" bulyaw ni Nixie. "Ang mang-aagaw na 'yon! This is unacceptable!"

"Mang-aagaw? What are you talking about?" tanong ni Sek. Naglakad siya palapit sa kama at umupo sa paanan nito.

"Chi saw him with Hannah. That bitch is trying to take what's mine!" ani Nixie. Namumula na ang mukha nito kahit na morena siya.

Tumango na lamang si Chi bilang sagot. Muli siyang tumingin sa laptop at laking tuwa niya nang makita na online na ang kaniyang pinakahihintay.

"Hayaan mo na siya Nixie. Sa pangit ng babaeng 'yon, wala nang nagmamahal sa kaniya. Magbigay naman tayo ng biyaya kahit kakaunti lang," sagot ni Sek.

"Gano'n na lang 'yon? Ano na'ng nangyari 'first dib' rule natin?!" tanong ni Nixie. Nang tumingin si Chi rito, nakakuyom na ang kaniyang mga kamao.

"Kumalma lang kayo!" paniningit ni Chi. "Nandito na siya!"

"Sino?" tanong ni Sek sa kaniya.

"Ang icing sa cupcake ko," humahagikhik na sagot ni Chi. Tumingin muli siya at napatili nang nakita niyang tumatawag na ang kaniyang napupusuang lalaki—si Chris. "Kenekeleg eke!"

"Napagkalandi!" papuri ni Sek saka marahang hinampas ang kanang balikat ni Chi.

Ngumiti lamang si Chi at muling tumingin sa screen ng kaniyang laptop. Nang makita niya ang mukha ni Chris, hindi niya mapigilan ang matinding tuwa na nararamdaman, lalo na't nakangiti ito sa kaniya. Isang million-dollar smile na halos magpasabog sa puso ni Chi.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now