#KillMeMaybe

207 12 3
                                    

Hindi magkamayaw si Nixie sa paglalakad parito't paroon sa loob ng kuwarto ni Chi. Panay rin ang silip niya sa bintana na matatanaw ang harap ng bahay sa labas. Nakaupo naman si Chi sa gitna ng California King bed niya habang kinakalikot ang kanyang cellphone.

Pinagmasdan ni Nixie ang kaibigan. Mukhang hindi nito napapansin ang pag-aalala ni Nixie. Niyakap niya ang sarili habang palapit sa kama ng dalaga.

"Magtatawag na ba tayo ng pulis, Chi?" tanong niya. "I'm getting scared."

"Don't worry," ani Chi. "Hindi makakapasok ang Grim Reaper dito sa bahay namin. Mas pinaigting na nina Mom at Dad ang security last time na nakapasok ang killer na 'yon."

"Kahit na! Alam mo naman ang Grim Reaper na 'yon, parang BDO lang. He finds ways," baling ni Nixie.

Ibinaba ni Chi ang phone sa kama at tumayo. Lumapit siya kay Nixie at hinawakan ang parehong balikat nito. Pansin ni Nixie ang panginginig ng mga kamay niya.

Huminga nang malalim si Chi. "We'll be safe, okay? And besides, darating na si Dad mamaya kaya may magbabantay na sa atin. For now, tayong dalawa muna ang magtatanggol para sa isa't isa."

Isang pilit na ngiti ang ipinakita ni Nixie. "Thanks, napanatag ako sa sinabi mo," sarkastiko niyang sagot.

Lumayo si Nixie sa kaibigan at muling humarap sa bintana. "Ako na ang isusunod ng Grim Reaper, Chi. Napatay na niya sina Ken at Shy. Iniisa-isa na niya tayo."

Biglang katahimikan ang natanggap na sagot ni Nixie. Nang lumingon siya sa kaibigan, seryoso ngunit takot itong nakatingin sa kanya. Nakikita niya ito sa kanyang mga mata.

"May aaminin ako," wika ng kanyang kaibigan.

Napasinghap si Nixie. "Buntis ka?"

"Hindi!"

"Lesbian ka't may gusto sa akin?"

"NO!"

"Ano?" tanong ni Nixie.

"May kasalanan akong ginawa kay Sek and I think she's seeking revenge," sagot ni Chi.

"Anong kasalanan 'yan? Sumagot ka na! Baka mamaya, patayin na ako ng Grim Reaper, hindi ko pa malalaman 'yang lecheng sikreto mo!" sigaw ni Nixie. Galit na galit na siya pero hindi halata sa tono ng boses niya.

"I was in love with Ken, and he's in love with me!" sigaw ni Chi na siyang nagdulot ng katahimikan sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ni Nixie. Halos malaglag na ang kanyang panga dahil sa pagkagulat.

"Seriously?" tanong niya.

Tumango si Chi. Mukhang iiyak na ito pero pinipigilan lang niya ang sarili.

"Weh?" Hindi pa rin makapaniwala si Nixie.

"Totoo nga!" bulyaw ni Chi.

Napatakip ng bibig si Nixie. "OMG! How can you do this to Sek? She's our friend!"

"I can't help it!" Lumapit si Chi kay Nixie. "But don't worry, past is past. Walang nangyari. I moved on but clearly, Sek isn't."

Napakunot ng noo si Nixie. "What do you mean?"

"I think Sek is—"

Naputol ang pagsasalita ni Chi nang isang malakas na ingay ang yumanig sa buong bahay. Napatakip sina Nixie at Chi ng tenga habang patuloy sila sa pagsigaw. Batid ni Nixie na alarm system 'yon ng bahay. Alam niya kung sino ang dahilan kung bakit nag-ingay 'yon.

"Nandito na siya!" sigaw ni Nixie.

Hinintay nilang tumigil sa pag-iingay ang alarm system ng bahay. Sa tagpong 'yon, nangingibabaw na ang takot ni Nixie. Nang tumigil na ang ingay ay agad niyang kinuha mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Agad siyang nagtawag ng tulong.

Hashtag MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon