#AreYouTheMurderer?

145 7 0
                                    

Nag-aayos ng gamit si Lance nang marinig niyang nagbukas ang pinto ng dorm room nila ni Rim. Narinig niyang may kinakausap si Rim at mukhang gulat ito base sa boses niya. Hindi niya muna ito pinansin dahil sa tinatago niya pa ang koleksyon niya ng porn sa duffel bag. Agad niya itong isinara nang marinig niya ang mga yabag ni Rim.

"Dude, may naghahanap sa 'yo," ani Rim.

Agad na tumayo si Lance mula sa pagkakaupo sa sahig. Binati niya ng ngiti si Rim at ang taong naghihintay sa pinto. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikita.

Si Dina.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Lance.

Napakunot ng noo si Dina. "'Di ba, magre-review tayo para sa exam mo?" tanong niya.

"Uhm." Napakamot ng batok si Lance. Napatingin siya kay Rim at palipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin nito hanggang sa isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.

"Shut it, dude," ani Lance.

"So?" tanong ni Dina.

"I'm so sorry pero kailangan kong umalis. May kailangan lang akong gawin," ani Lance.

Tumango na lamang si Dina. "Okay. Sige. Babalik na lang ako sa campus. You can contact me if you change your mind," aniya. Ngumiti ito ngunit halatang pilit lamang. Tumango ito kay Rim sa naglakad palayo ng kanilang dorm room.

Agad namang sumilip si Rim sa pinto bago nito ibinato ang tingin pabalik kay Lance. "Hindi ko alam na magkakilala pala kayo," aniya.

"Hindi naman ikaw 'yong tipo na may pakialam," wika ni Lance. Binuhat niya ang duffel bag na nasa sahig at inilapag ito sa kaniyang kama.

"Tutor mo siya?" mausisang tanong ni Rim.

Tumango naman si Lance. "Kailangan kong ipasa ang mga exams ko. Ayaw ko nang umulit pa ng subject. Alam mo naman kung bakit ako bumagsak sa Physics, 'di ba?"

Napailing si Rim. "Ayaw ko nang maalala. Nasusuka ako sa tuwing iniisip ko 'yon. Eew. Like O-M-G!"

Natawa na lamang si Lance. "Loko ka talaga." Humiga siya sa kaniyang sariling kama at tumingala sa kisame. Narinig naman ang pag-uga ng kama ni Rim; mukhang umupo o humiga rin ito. "Ayaw ko ngayong pumunta sa library kasama si Dina. Gusto ko lang talagang mag-gym ngayong araw."

"Excuses, friend. Narinig kong malapit na ang finals niyo. Bakit ayaw mo nang mag-review?" tanong ni Rim.

"Mangongopya na lang ako. Master kaya ako," ani Lance.

"Ewan ko sa 'yo."

Bigla ay nakarinig na lang siya ng paghilik. Nang tingnan niya si Rim, tulog na ito sa kaniyang higaan. Napangiti na lang si Lance at muling tumingala sa kisame. May bigla siyang naisip. Nagbago ang kaniyang desisyon. Nais niyang makapasa ngunit patungo na sa campus si Dina.

Bumangon si Lance. "Kailangan ko siyang habulin. Ayaw kong bumagsak," bulong niya sa sarili.

At hindi inaasahan ni Lance na matapos ang dalawang taon ay sa presinto rin ang bagsak niya. Walang laman ang selda maliban sa kaniya. Wala ring mga tao sa paligid. Mukhang tahimik sa buong presinto. Maski mga ingay ng mga pulis na nagtsitsimisan ay hindi na niya marinig. Marahil ay rumuronda sila para maghuli ng mga bata.

Napabuntong-hininga na lang si Lance at tiningnan ang sarili. Mabuti na lang ay pinagpalit siya ng damit. Bagama't masikip sa kaniya ang t-shirt at pantalon na ibinigay sa kaniya, mas okay na ito kaysa sa manatili sa costume ng Grim Reaper. Maisip lamang iyon ay kinikilabutan na si Lance.

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now