#WreckingBall

758 40 26
                                    


Walang makita si Sek. Kadiliman lamang ang kanyang naaaninag. Nakapiring siya ngayon at inalalayan siya ng kanyang kasintahan na si Ken sa paglalakad. Kinakabahan ang dalaga dahil may surpresa di-umano ang kanyang boyfriend. Walang siyang ideya kung ano 'yon at hindi niya gusto na ganito ang kanyang nararamdaman.

"Honey, saan mo ako dadalhin?" tanong niya.

"Sa soccer field, Baby. Kaunting hakbang na lang, makikita mo na ang surpresa mo," sagot ni Ken.

Biglang nagdabog si Sek. "Honey naman, ayaw ko na ganito! Hindi ko nakikita ang magiging surpresa mo!"

"Paano pa magiging surpresa 'to kung makikita mo kaagad? Kaunting tiis lang, Sek, Baby. Magugustuhan mo ang makikita mo," bulong ni Ken.

Nanindig ang balahibo sa katawan ni Sek. "Isang malaking saging ba 'yan, Honey? Alam mo naman na gusto ko ang mga ganyan."

"Hindi ka pa ba kuntento sa saging ko, ha?" tanong ni Ken. Sa tono ng boses nito, mukhang nasaktan ang kanyang binata.

"Mas favorite ko pa rin ang saging mo, Honey," agad na sagot ni Sek. "Favorite sa lahat ng favorite."

"You and your banana fetish, Sek," narinig niyang sabi ni Shy, ang nerd niyang 'yaya' na mahilig sa eyeglasses. Maputi ito at medyo slim. Laging nakasuot ng apron na kahalintulad nang kay Yaya Dub dahil idol niya ang naturang karakter.

"Shut up, Yaya!" sigaw ni Sek. "At bakit ka nandito, ha? Para sa akin ang surpresang ito, hindi ka kasama rito! Sa akin lang ang saging ni Honey!"

"Hindi nga saging ang surprise ko sa 'yo!" sagot ni Ken.

Narinig niya ang pagngisi ni Chi, ang isa sa miyembro ng kanyang clique. May maikli itong buhok na abot lamang hanggang balikat. Curvy ang pangangatawan, bilugan ang mukha, at maputi ang kutis. "Chill lang, Sek. You will surely like this."

Huminga nang malalim si Sek. Hindi na siya makapaghintay. Napapakamot na siya sa kanyang palad dahil sa sobrang excitement. "Matagal pa ba tayo, Honey?" di-mapakaling tanong niya.

Tumigil ang mga naririnig niyang yabag. Napatigil din si Sek. Mas lalo siyang kinabahan nang wala na siyang marinig. Malakas na bugso ng hangin na lang ang nasasagap ng kanyang pandinig. Humahampas pa ito sa kanyang magandang mukha.

"Tanggalin mo na ang piring mo, Baby," bulong na Ken.

Agad niyang tinanggal ang kanyang piring ngunit may napansin siya. Maumbok ito at hindi katulad ng mga piring na ginagamit niya. Nang tingnan niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata. Isang bra ang ginamit ni Ken na pangpiring sa kanya.

Humarap siya sa kanyang boyfriend na galit na galit. Hindi niya alam na magtataksil ito. "Bakit bra ang ginamit mong pangpiring sa akin? At bakit may ganito ka? Sino ang babae mo, ha?!" bulyaw niya.

Napataas ng parehong kilay ang kanyang kasintahan. "Baby, baby bra mo 'yan! Don't you remember? Iniregalo mo 'yan sa akin for my birthday last year. Gusto mo na sa pagtulog ko, kasama mo ako, kaya binigyan mo ako ng bra para gawing eye mask sa tuwing matutulog ako!" paliwanag niya.

Saka lang naalala ni Sek na ibinigay niya pala 'to. "I remember na! OMG, I'm so sorry, Honey. Makakalimutin na talaga ako," wika niya sabay halik sa labi ng kanyang boyfriend. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan niya ang kanilang kinaroroonan. Isang malawak na soccer field sa loob ng kanilang campus. Gabi na't mga ilaw mula sa stage ng field ang nagbibigay liwanag rito.

Isang crane ang umagaw ng kanyang atensyon. May nakakabit dito na isang wrecking ball.

"WRECKING BALL!" laking tuwa na sigaw ni Sek. Humarap siya kay Ken. "Paano mo nalaman na gusto kong i-try na sumakay sa wrecking ball?"

Hashtag MurderWhere stories live. Discover now