EPILOGUE

121K 2.4K 164
                                    

EPILOGUE

QUIN'S POV

Napapangiti ako habang nakatingin kay Hade na kasalukuyang nagdidilig. Nakalagay sa baby carrier si Erebus na nakatingin lang sa daddy niya habang may kung anong ikinukuwento sa kaniya.

Kung dati parang seryoso ang atmosphere ng The CAMP ngayon iba na...yung tipong hindi na lang para sa mga single o mga couple...pang pamilya na.

Nagtatakbuhan sa labas ng maliit na bakod namin ang mga chikiting ng BHO...as usual magkalaban na naman ang girls at boys na kasalukuyang malapit ng mag-iyakan. Sa isang gilid nandoon si Phoenix at Snow na naglalaro ng Barbie.

Halatang napipilitan lang si Phoenix pero hindi naman siya nagrereklamo.

Napatingin ako sa tabi ko ng biglang may kumalabit sakin. Si Storm. Nakapout siya at parang may iniisip.

"Yes, dear?"-me

"Tita, diba important kapag nag seven years old ang isang bata?"

"Lahat naman ng birthdays importante but yes I think kapag nag seven ka may meaning yon. Why?"

"Pag nag seven na po ako pwede na po ba akong mabuhay mag-isa?"

Napaubo ako. Tinignan ko si Storm na halatang seryoso sa tanong niya. Meron din siyang name tag katulad ng kambal ni Paige.

"Nope. Kailangan mag eighteen ka muna."-me

"Pero pwede din pong pagkatapos kong mag highschool diba po?"

"Depende kung papayag si Mommy mo."

Tumango-tango siya at nag-iisip parin na naglakad paalis. Sa pagkakaalam ko tinanong narin ni Sky yan kay Hurricane noon. Mukhang may balak atang umalis. Nakakapagtaka naman.

"Hey, Storm!"-me

"Po?"

"Bakit gusto mo na bang umalis dito? May umaaway ba sayo?"

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon