CHAPTER 28 ~ Kiss and Kiss and Kiss ~

110K 1.5K 54
                                    

CHAPTER 28

QUIN'S POV

Wala na sila Adonis at Hermes dito sa control room. Dinala sila ni Thea sa 'Craige' para ilibre dahil iyon ang payment na hiningi nilang dalawa. Pinag-iisapan namin kung anong ibig sabihin ng H. For me obvious naman kung anong ibig sabihin ng letter na yon.

Hade.

Nag i-insist parin si Hade na pwedeng iba ang ibig sabihin non. Baka daw magkakapatid yung tatlo na imposible dahil kilalang-kilala ko si Biana from head to toe. Si Caprice Adriano nag-iisang anak at ganon din si Kim Hidalgo though sinabi niya sa phone kahapon na may kuya siya na wala naman talaga. Palusot lang.

"It's not possible, Hade."

"Bakit imposible? Pano kung nagkahiwalay-hiwalay lang sila noon? Pano kung ibat-iba ang nanay nila at nangbabae ang tatay ni Caprice na si Augustin at yon sila Kim at Biana?"

I saw Craige's hand went up on his temple. Masakit nga sa ulo si Hade.

"Hade...hindi to dramarama sa hapon, okay? Unang-una six years ang tanda ni Caprince kay Kim at seven naman kay Biana. That time matanda na ang tatay ni Caprice dahil may edad na siya ng naging asawa niya ang mother ni Caprice...sa tingin mo makukuha niya pang mangbabae para mabuo si Kim? At mas lalong imposible na anak niya din si Biana dahil noong August 18 na araw na ipinanganak si Kim namatay na si Augustin. Meaning hindi niya pwedeng mabuo si Biana dahil mas matanda si Kim ng isang taon kay Biana."

"Quin-"

"Idagdag pa na kilala din sa bussiness world ang magulang ni Kim Hidalgo and you know it. Nakalagay sa news ang araw ng panganganak ni Gwen Hidalgo. Si Biana naman kilala ko ang mga magulang."

"But-"

"Stop, you two."

Napatingin kami kay Craige. May hawak siyang mga papel na galing sa fax machine. Ibinaba niya yon sa harapan namin ni Hade at napatingin kami don. Pati si Wynd at Ice nakisilip narin.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon