CHAPTER 2 ~ Lucky ~

121K 1.9K 94
                                    

A/N: Wala po akong UD bukas ^__^ pupunta po kasi kami ng school somewhere para manood ng voleyball. Nandun si Crush wooooo ^//////^

CHAPTER 2

QUIN'S POV

Hindi ako mapakali habang nakaupo ako sa isa sa mga bench na nagkalat sa The Camp. May hawak akong libro pero hindi ko naman maintindihan yung mga nakasulat. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kanina.

Kasalanan ng palakang yon kung bakit kung ano-ano ang naaalala ko. Kung pwede lang ilalagay ko na lang sa mermory card lahat ng memory ko kasama siya at itatapon ko kung saan.

"Damn, damn, damn!"-me

"What i do to have you here, here, hereee! Damn, damn, damn. What id do to have you near, near, neaaar! I WISH YOU WERE HERE!"

Lumingon ako sa kaliwa ko ng marinig kong may biglang kumanta. Nakita ko don si Thea na kasalukuyang naglalakad-lakad habang buhat niya ang may in born megaphone sa bibig na si Athena. Sinimangutan ko lang siya.

Tumingin na lang ulit ako dun sa libro. At katulad kanina wala din akong maintindihan. Kung bakit naman kasi kahit saan ako tumingin yung palakang yon parin ang naaalala ko.

Panira ng buhay.

-__________-

Naalala ko tuloy-..Urgh! Ipinilig ko yung ulo ko para umalis yung kung ano mang naaalala ko. Tinaktak ko pa patagilid yung ulo ko pero naaalala ko parin.

~FLASHBACK~

Sige na ako na ang paranoid. Kasalukuyan ko kasing sinusundan yung boyfriend kong si Nick. Actually..piling kaibigan ko lang ang nakakaalam na may boyfriend na ako. To be honest ang dami ko ng naging boyfriend..at ni isa don hindi kilala ng magulang ko.

Mapagalitan pa ko.

So yun nga..sinusundan ko yung boyfriend ko dahil ilang araw na siyang hindi nagpapakita sakin. Ayokong matulad siya doon sa iba kong mga naging boyfriend. Na bigla na lang akong iniiwan. I dont think I love nick though I like him..as in really like.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon