CHAPTER 44 ~ Our Baby ~

83.3K 1.4K 54
                                    

CHAPTER 44

QUIN'S POV

Kanina pa ako nasa harapan ng laptop ko. Kanina parin ako walang tigil sa pagtipa sa mga keys ng keyboard. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Erebus. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap.

Hindi ako pwedeng tumigil....hindi ako pwedeng magpahinga.

Kailangan kong mahanap ang anak ko.

"Quin..."

Hindi ko nilingon si Hade. Wala akong gustong kausapin. Hindi ko magawang umiyak..hindi ko magawang magsalita. The only thing that keeps me sane right now is keeping myself busy. Ilang oras pa lang nawawala si Erebus...

Pero pakiramdam ko taon na ang lumipas.

"Quin...you need to rest."-hade

"No."

"Quin-

"NO!"

Napatingin samin ang mga agents na nandito sa control room. Halos lahat kami nandito na. Ang mga Newbie at Junior ng BHO at ang mga iba pang agents ng The CAMP ay nasa labas na ng CAMP para hanapin si Erebus. Kumuha na lang ng pansamantalang tauhan si Craige para sa mga guest.

Hinawakan ako ni Hade sa magkabilang pisngi at tinitigan. Nag pumiglas ako. I need to work...I need to find my baby...

My baby...

"Quin-"

"Let go of me."

"Let it go. Cry."

Umiling ako. Hindi niya naiintindihan...kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong kumilo para mahanap ang anak ko. Baka kung ano ng gawin sa kaniya ni Kim...baka saktan siya. Kailangan kong makita ang baby ko...

"Princes...let it go."

"No."

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon