CHAPTER 34 ~ Crazy ~

89.6K 1.5K 80
                                    

A/N: Hallooo! Bukas po at saka sa may 3 baka wala po akong UD ha? May turn around flight kasi si Mama kaya kami ay mag bo-bonding :D


CHAPTER 34

QUIN'S POV

Hindi na kami magkandaugaga sa kakaresearch. Napuntahan narin namin ang dati kong university para tignan kung alam nila ang grupo na yon. Ang Love H. Yup, very simple club name. Sa ngayon wala na kaming duda kung anong ibig sabihin non dahil obvious na obvious naman. Ang ipinagtataka lang namin kung bakit galit na galit si Lyly kay Hade samantalang si Biana inaakit-akit pa si Hade.

Imposible na dahil sa galit kaya nabuo ang group na yon.

Nalaman din namin na kahit tapos na mag-aral ang mga nasabing students na kasali sa club na yon, mukang nagkikita-kita parin sila. Imposible na lahat ng members ng club na yon ay galit kay Hade, dahil ng malaman namin ang iba pang mga pangalan ng mga members don sa pagkakaalam ko mga nahumaling iyon kay Hade.

Nilingon ko si Hade na nakatingin sa chess board na nasa harapan namin. Nagpasya kasi kami na magpahinga muna at eto ang napagtripan naming gawin. Well actually I know he missed playing chess..at alam ko din na hindi ako mananalo sa kaniya sa larong to.

Nang mga panahon na nag-aaral ako kilala si hade hindi lang dahil sa gwapo siya kundi dahil sumasali siya sa mga contest na about sa chess. Nang maging kami never ko namang inisip na big deal yon.

Kaya hindi ko alam na marami na palang nakakakilala sa kaniya...to be honest ngayon ko nga lang nalaman na maraming nakakakilala sa kaniya noon.

"Check."-me

"No, princess. Hindi ganiyan kahaba ang tinatalon ng horse."

Napakamot ako sa pisngi ko. Binasa ko lang kasi yung basic sa laptop kanina. Malay ko ba namang hindi pwedeng tumalon yung horse mula sa thrid row hanggang sa kalapit sa king. Akala ko basta 'L' okay na eh.

Tumira ako ng iba at sumilay ang ngiti sa mga labi ni Hade na iginalaw niya ang queen niya.

"And this is...check mate."-hade

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon