CHAPTER 14 ~ Fool ~

96.1K 1.7K 75
                                    

A/N: Pasensya na po kung minsan lang ako maka-update. Practice na kasi ng graduation at knock-out na talaga ako kapag nakakauwi ako sa bahay :)


CHAPTER 14

QUIN'S POV

Napansin kong napapatingin sakin ang mga agents habang nakatingin sakin. Umayos naman ako ng upo at inalis ko ang daliri ko na kasalukuyang nakalapat sa mga labi ko.

Umuwi na ako kahapon pagkatapos ng nangyari non samin ni- O/////O. Anyway..nagmamadali na akong umalis non at hindi naman ako pinigilan nila Mommy dahil nakita nila na kasunod ko si palaka.

Hindi kami magkasabay dahil may dala siyang kotse. Buti na nga lang dahil hindi ko alam kung kakayanin ko na makasabay siya sa iisang kotse. Pagdating naman sa The Camp kaila Fierce muna ako tumuloy.

"Anong nangyari sayo? Masakit ba yang labi mo?"-yale

"Ewan ko sayo, bumalik ka na nga lang sa mga asawa mong frying pan."

Nag pout siya at tinutukan ako ng spatula. I rolled my eyes at him at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagbibilang ng kayamanan sa cashier.

"Hindi pa ako commited no! Mamaya marinig ka ng Eika ko hindi na ako sagutin non."

"Nangliligaw ka ba?"

"Oo-"

"Pumayag ba si Eika?"

"Well...hindi ata?"

Napatawa ako. Nangliligaw nga hindi naman pumayag yung nililigawan niya. Wala na ata talagang pag-asa tong si Yale sa panliligaw niya kuno kay Eika-

Napataas ang kilay ko ng makita ko si Andreige na kasalukuyang hindi magkandadala sa mga dala niyang shopping bags habang nahahapo siyang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ni Cassandra.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon