CHAPTER 45 ~ Hade and Quin ~

95.5K 1.5K 57
                                    

A/N: Ang kabaliwan ni Quin na magaganap ay dahil sa normal na kabaliwan namin ni Nanay Chelsea (starsiswhatilove) ng minsang nag-uusap kami sa school. Thank you din sa mga nag suggest ng songs op ni Enyo, si Abbie Pontillas at si Tizia Vega.

CHAPTER 45

QUIN'S POV

Hindi ako makahinga. Yan ang unang rumehistro sa isipan ko. Itinaas ko ang mga kamay ko na para bang may inaabot. May tumabing sakin na kung ano dahilan para mas lalo akong hindi makahinga.

Naninikip ang dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko na animo ano mang sandali sasabog na iyon.

Kailangan ko ng hangin...

Kailangan kong lumaban...

Kailangan ko..

Kailangan ko-

...

...

"HELLO?! Earth to Quin. Pwede huminga ka kasi baka himatayin ka na diyan? At saka wala ka bang balak tulungan kami na isuot tong gown mo at nakatayo ka lang diyan na parang Zombie. Hello, hello?"

Napapitlag ako. Inihit ako ng ubo ng bigla akong pinasukan ng hangin na kanina ko pa pala pinipigil. Napakapit ako kay Thea na hindi ko alam kung bakit nandito.

Tinulungan ako ni Cassie na makatayo na siyang Maid of Honor ko.

"Ayan, uso kasi ang paghinga no?"-thea

"Oo na..ano bang meron at nandito ka? Tinakasan mo na naman ba ang asawa mong malapit k ng ipamental?"

"Excuse me, love na love ako ng asawa ko no at tanggap niya ang kabaliwan ko dahil kung hindi ako baliw baka hindi ko siya pinatulan- kidding baby!"

Napatawa ako. Sumilip kasi si Craige na nasa labas lang pala ng pinto. Napailing na lang siya sa asawa niyang out of this world.

"As for your other question. Pinadala ako dito ni Paige at dahil may ginintuang puso ako ay sinunod ko siya. Naaawa kasi kami kay Cassandra na makakatamo ng lakas ng impact ng topak mo lalo na ngayon na kabado ka."-thea

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon