CHAPTER 11 ~ Fall ~

95K 1.7K 100
                                    

CHAPTER 11

QUIN'S POV

Nakangiwing nakatingin ako sa mga labahin na nasa harapan ko. Ang katwiran ng palakang yon, masama daw sa health niya ang mga maruruming damit na nakatambak lang. At dahil sira ang malapit na laundry shop dito hindi ko magawang ipalaba yung mga damit niya.

Tinatamad naman akong maghanap pa ng iba.

Yung ibang mga agents hindi namomoblema. Dahil bukod sa 'Malakas at Maganda Parlor' ng kambal ay nadagdagan pa ng 'Palo-Palo ni Rain' courtesy of Wynter. Of course napapayag niya. Wala naman atang hindi gusto si Wynter na hindi sinunod ni Rain.

Spoiled yon sa asawa niya eh.

Anyway ang 'Palo-Palo ni Rain' ay isang laundry shop. Kaya lang biglang naisipan ng tukmol na palaka na to na hindi daw maganda ipa-laundry ang damit dahil daw baka magkasakit siya. Hindi ko nga alam kung anong koneksyon.

-____-

Mga pauso talaga eh.

Nagdadabog na nilagay ko na sa mga batsa ang mga damit. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil bigla na lang nawala ang washing machine. Sira daw sabi ng palakang yon.

Bat hindi na lang bumili? Wala daw siyang pera. Nang ako na sana ang bibili ang sabi niya dapat daw kaming magtipid sa kuryente dahil daw kapag tumaas ang kuryente niya sisingilin niya ako ng milyon.

That guy- frog....ang sarap gawing pataba sa lupa. Yung tipong ililibing ko siya at iintayin ko na lang na tubuan siya ng patatas. pero I doubt it. Baka damo lang ang kalabasan niya.

"How the hell should I do this? Masisira ang nails ko!"

Umupo na ako sa maliit na bangko na nandoon. Ang nag-iisa ko lang konsolasyon ay kulay fuhsia pink yon. Favorite color ko. At puro pink din ang mga batsa.

Pero...naiinis parin ako! Ang hirap kayang maglaba. Ako maglalaba? Para mo naring sinabi na pwedeng lumipad ang mga butiki. Marunong naman ako kaya lang...kadalasan kapag naglalaba ako ang kinalalabasan basa na ako sa huli dahil hindi ako sanay.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon