CHAPTER 29 ~ One Dozen ~

98.8K 1.5K 92
                                    

CHAPTER 29

QUIN'S POV

Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa harapan namin. Kasalukuyang nagtatatakbo ang mga agents na parang nakawala sa hawla habang kaming mga babaeng agents ay laglag ang mga panga na tulala lang. Si Autumn lang ata ang tuwang-tuwa at kasalukuyang nakikipaghabulan sa asawa niya.

Nandito kami ngayon sa Zoo na hindi ko alam kung anong pangalan na nandito sa tagaytay. Tulog kasi ako at nagising na lang ako ngnandito na kami sa loob.

Nagkatinginan kami ni Hurricane at Wynter. May isa pa palang nag e-enjoy..si Thea na ngayon ay patagong sinusungkit ang lock sa kulungan ng leon.

"Weird."-cassandra

Tumango ako. Kahit si Hade tuwang-tuwa na lumapit sa mga kabayo na pwede daw i-rent para sakyan. Namataan ko si Craige na nilapitan ang asawa niya at pinatigil sa pagtatangakang pakawalan ang mga lion.

Though may tali naman sila sa loob mukang gusto lang naman makipagkulitan ni Thea sa loob. Hindi ko alam kung saan nag-aalala si Craige...na palabasin kami dito o malunok ng lion si Thea.

Napailing na lang ako at lumapit ako sa isang vendor na kasalukuyang nagtitinda ng hotdog on-stick. Bumili na lang kami ng mga girls habang nakikipagkulitan sa mga kalahi nila ang mga kasama namin.

"Nakakapagtaka na nag e-enjoy din si Autumn."-me

"May hidden agenda yan of course."-sophie

Tumingin kami kay Autumn na nakangiting tinawag ang atensyon ng mga agents. Muka ngang may hidden agenda siya kasi ngiting-ngiti siya.

"Since wala tayong dalang cellphone....meron ba sa inyo na may dalang camera?"-autumn

Nagkatinginan yung mga agents. Ang rule kasi ngayong araw na to na pinangalanan ni Thea na Animal Friends Day na wala daw gagamit ng cellphone para daw marelax kami at hindi muna isipin kung anong meron sa ouside world.

"Bawal magdala ng gadget."-craige

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon