CHAPTER 10 ~ We Are Never Ever Getting Back Together ~

100K 1.6K 68
                                    

CHAPTER 10

QUIN'S POV

Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa gawi ni Had- palaka. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng bumalik kami galing sa 'Dessert Day' namin. Back to normal na naman kami. Balik na naman sa pagiging entertainment ng mga taong walang magawa dito sa The Camp.

"Wag mong masyadong titigan. Baka matunaw yan."

Nilingon ko yung nagsalita. Sinimangutan ko si Yale at inirapan na ikinatawa niya lang. As usual wala na naman siyang suot na pang-itaas na damit. Dati atang gigolo ang secondhand na kaluluwa ni Yale.

"Bumalik ka na nga lang sa lungga mo. Baka gawin pa kitang barbie-q diyan."-me

"Masyado ka namang hot Princess Reyna, nahahawa ka na siguro sa kakisigan ko. Tignan mo ang mga muscles ko, maiinlove na ba si Eika nito?"

"Kahit maging si Harry Potter ka pa hindi ka niya papatulan."

Sinapo ni Yale ang dibdib niya at pakunwari na itinarak doon ang spatula na hawak niya na parang sinaksak siya ng kung sino. Nakangiwing tinignan ko siya dahil napapatingin na samin ang ibang mga guests.

"Ang sakit mo namang magsalita Princess Reyna. Porke may improvement na kayo ng prinsipe mo ganiyan ka na. Nawala pa nga kayo nung isang araw-"

Tinakpan ko ang bibig ni Yale ng mapatingin samin si palaka. Nag-iwas ako ng tingin at walang sabi-sabing hinila ko papasok sa kusina si Yale na nagpapapasag.

Nang makapasok kami sa loob nakasimangot na inagaw ko sa kaniya ang spatula at inihataw ko yon sa ulo niya na ikinasigaw niya. Nanggigigil na kinurot ko siya sa braso ng hindi pa ako ma-satisfy.

"Aray! Ang beautiful skin ko!"-yale

"Dapat lang yan sayong susi ka. Kapag ako nagalit sayo ipapalunok kita sa unang tao na makikita ko! grrrr! I'm so tempted to kill you!"

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon