CHAPTER 12 ~ Ice Cream ~

98K 1.6K 86
                                    

CHAPTER 12

QUIN'S POV

Tatlong araw na mula ng huli kaming nag-usap ni palaka. Umalis muna ako ng The Camp at pumunta dito sa bahay ng parents ko. Hindi kasi ako makatagal doon...I cant think straight. Naiisip ko parin yung mga sinabi niya..yung mga sinabi ko. At sa totoo lang..hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Kahit sarili kong feelings hindi ko na alam kung paniniwalaan ko. Don't get me wrong..I can still trust other people/ Pero hindi si palaka...hindi ang sarili ko.

Sabi nga nila may kaniya-kaniya tayong way para lagpasan ang mga problema natin. Its just that..this is the way that I took before. May iba na kumukuha ng lakas sa ibang tao, may iba na naghahanap ng bagong mamahalin..at merong katulad ko na kumukuha ng lakas sa sarili.

Loving someone so much..can also bring you pain more than you can handle. Sa kaniya lang umiikot ang mundo ko noon..at ang dami na naming plano..mga pangarap.

Na nasayang lang sa huli.

Hindi ganoong kadali magtiwala uli. It's hard to trust someone who broke your heart and your soul before. Kung ganon lang kadali yon..wala na sanang taong malungkot ngayon. Kung sana kapag nasaktan ka ng taong mahal mo..parang galos lang ng mga bata pa tayo...na kapag nalagyan na ng betadine at band-aid..

Okay na tayo...balik na naman sa paglalaro.

Ang buhay kasi hindi parang fairytale...o love story sa mga libro. Dahil kahit pagbalig-baligtarin parin natin..masakit parin ang reality. At kahit anong gawin natin..

Hindi natin yon matatakasan.

"Señorita, pinapatawag na po kayo ni Señora sa baba."

Napatingin ako sa pinto ng sumungaw don si Manang Ofelia. Tinanguan ko siya at nauna na siyang lumabas. Buti na lang pinayagan ako ni palakang umalis...pero kahit pigilan naman niya ako....

Aalis parin ako.

Bumaba na ako papunta sa dining room. Kanina pa nga ako nagugutom...hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labas. Kaya ayaw ko pumunta dito eh..ang layo-layo sa sibilisasyon.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon