CHAPTER 13 ~ Chance ~

96.8K 1.7K 64
                                    

CHAPTER 13

QUIN'S POV

Napatili ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Handa ko na sanang ipalo yung hawak ko ng pang scoop ng Ice Cream sa humawak sakin ng makita kong si Gino yon. 

"O, anong nangyari sayo?"-gino.

Napalunok ako at sumiksik ako sa kaniya habang palingon-lingon sa paligid. Malay ko ba kung may iba ng elemento dito sa bahay na to.

"Ammm Gino.."

"O?"

"Napa-bless niyo na ba tong bahay niyo?" - Quin

"Oo naman. Matagal narin."

Ngumiti ako ng alanganin...baka naman imagination ko lang yon. O kaya baka nahulog yung pang scoop ng Ice Cream ng hindi ko namamalayan. Right? Marami namang pwedeng rason..except sa mumu.

Nagtatakang tinignan ako ni Gino ng bigla ko siyang hinila palapit sakin habang kumukuha ako ng Ice Cream..pagkatapos ay hiila ko siya ulit ng binalik ko na yung Ice Cream sa refrigerator.

Hindi ko siya binitiwan hanggat hindi kami nakakarating sa sala kung saan nandoon ang mga kapatid niya. Tumuloy kami ni Gino sa labas ng bahay at umupo sa Four Seat Swing don.

"Ano bang nangyari sayo kanina?"-gino

"Akala ko may mumu sa inyo."

"Sa lahat naman ng tumira sa maynila ikaw tong matatakutin. Guni-guni mo lang yon no."

Sabagay. Baka inaantok lang ako o kaya nagugutom kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Sumubo na ako ng Ice Cream. Yummy!

"Nakita ko nga pala yung bisita niyo. Suplado."-me

"Baka natakot sayo. *laughs* Mabait naman siya. Kasundo nga naming lahat eh. Mahilig din lumabas-labas, parati nga siyang nagagawi sa lugar ninyo."

"Bakit daw?"

"Hindi din namin alam eh."

Baka naman hindi talaga samin pumupunta..malay ba natin mamaya may girlfriend yon na dinadalaw sa baryo na to. O kaya hinahanap niya ang long lost love niya.

Tumaas ang kilay ko ng makita kong may lalaki na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Naningkit ang mga mata ko ng makita kong kahawig ng built niya ang katawan ni palaka.

-___-

Bakit ba ang daming kong nakikita na nagpapaalala sakin sa taong yon?

"Muka ka na namang papatay. Alam mo kailangan mong mag relax, yung tipong mawawala lahat ng stress mo. Nakakapangit pa naman yan."-gino

"May naalala lang ako na ayokong maalala."

"Bakit ayaw mong maalala?"

"Dahil siya ang dahilan kung bakit stress ako. Sabi mo kanina baka yung sagot nasa harapan ko na..siguro alam ko yon pero ayoko lang aminin sa sarili ko. Because it will only complicate things and-"

"You're not ready."

Tumango ako. Itinaas ni Gino yung mga paa niya sa space sa tabi ko. Nakaupo kasi siya sa harapan ko habang umuugoy ag inuupuan namin.

"Bakit mo nga naman pipilitin ang sarili mo, diba? Hindi mo naman kailangan mag madali..kasi yung mga gaitong bagay hindi mnamadali. Yung mga taong nagsasabi na akala mo ayos lang na magdesiyon agad-agad ay yung mga tao na hindi pa nararanasang matakot pagdating sa relasyon at hindi pa nakakaharap sa matinding desisyon."-gino

"Kanina ka pa payo ng payo diyan ah. May love life ka narin?"

Napangisi ako ng namula siya. Itinaas niya yung cellphone niya at hinablot ko yon sa kaniya. Agad na tumingin ako sa mga pictures niya at napangiti ako.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon