CHAPTER 6 ~ I Kissed A Frog ~

113K 1.7K 54
                                    

CHAPTER 6

QUIN'S POV

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng mga galabugan ng kung ano. Tinignan ko yung alarm clock ko sa bedside table. Alas-singko pa lang ng umaga. 

Antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog kagabi galing sa mission naming tatlo nila Summer. Pano ako makakatulog eh naaalala ko yung...

Basta!

Kung ano-ano ng paraan ang ginawa ko para lang makatulog ako. Kaso nakaidlip lang ako saglit...mga bandang alas-kwatro. Kaya pakiramdam ko jelly ace ang buong katawan ko.

Tinatamad na tumayo ako...kitang-kita na din ang balikat ko dahil tumagilid na ang suot kong maluwag na t-shirt. Wala kasi ako sa mood na suotin kagabi ang mga silk jammies ko. 

Halos nakapikit pa na lumapit ako sa full length mirror ko. Nakagawian ko na kasinig tignan ang muka ko sa umaga. Nothing could make my day better than to see my beautiful face.

Tinignan ko ang repleksyon ko

...

...

O__O

Napatili ako. Kumurap-kurap pa ako bago nag register sa utak ko ang itsura ko ngayon.

Muka akong Zombie.

Namumutla ako dahil siguro sa konti lang ang tulog ko...nanlalalim din ang mga mata ko. Muka akong panda bear. Idag-dag pa ang buhok kong hindi ko na nakuhang suklayin.

Ipinilig ko ang ulo ko at nagmamadaling lumapit ako sa tokador ko at sinuklayan ko yung buhok ko pagkatapos ay itinali. Inayos ko din yung damit ko. Isang tao- amphiabian lang ang may kasalanan nito.

Napapitlag ako ng bigla na namang may gumalabog.

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon